Author's Note: Gamit ang punto ng pananaw ni Rigo ay babalikan natin kung ano ang nangyari sa kanya pagkatapos niyang humarap kasama si Khalil at Luigi laban kanila Jules Matthew at Magnus.
Rigo
"Luigi!" Narinig kong sigaw ni Khalil pagkatapos niyang panain sa dibdib si Luigi gamit ang Promesa. Alam ko na kinokontrol lamang ni Jules Matthew ang katawan niya para gawin 'yun.
Nakita ko kung paano humangos papalapit si Khalil kay Luigi na walang malay na nakahiga sa sahig. Iyak siya ng iyak dahil sa nagawa niya.
Narinig kong kinakausap ni Jules Matthew si Magnus na nasa tabi ko lamang ng mga oras na 'yun. Pero hindi ko sila maintindihan.
Gusto kong lumapit kay Khalil para aluhin siya. Dahil sa bawat matalas na hikbi na ginagawa niya eh para akong sinasaksak sa sakit. Hindi ko gusto na nakikitang umiiyak si Khalil. Hindi kailanman.
Bago pa ako makagawa ng pagkilos papalapit kay Khalil at Luigi eh isang malaking tipak ng bato ang hinagis ni Jules Matthew papalapit sa amin ni Magnus. Masyadong mabilis ang pagbulusok nito sa direksyon namin.
Gumawa ng portal si Magnus. Nagulat ako nang bigla niya akong hinila papasok sa loob. Nakapasok na kami ng tuluyan sa portal bago pa man tumama yung malaking tipak ng bato sa amin.
Binalot kami ng nakakabulag na liwanag. Nang pumikit ako eh tanging imahe lang ni Khalil ang nasa isip ko.
Kailangan kong makabalik sa kanya. Kailangan ko siyang ilayo kay Jules Matthew.
Kailangan ko siya... Kailangan niya ko...
"KHALIL!!!"
Napabalikwas ako sa kamang hinihigaan ko. Para akong wala sa sarili na nakatutok ang kanang kamay sa harap na para bang may kung anong bagay na inaabot kahit na wala naman.
Panaginip lang pala...
Inaayos ko ang sarili ko nang mahimasmasan ako. Tiningnan ko ang paligid ng kwartong kinaroroonan ko.
Ang pader ay gawa sa mainipis na plywood. May mga kahoy na sumusuporta dito ngunit ang iba ay sira na. Ang bubong naman ay yari sa kinakalawang na yero. Alam ko na umuulan sa labas dahil sa mga pagtulo na naggagaling sa mga butas na nandito.
Sa baba ay may kung ano-anong bagay na sumasalo sa mga patak ng ulan mula sa butas ng bubong. Merong timba, may palanggana, may baso, pati na rin lata.
Sa tabi ko ay may isang maliit na lamesa. Merong maliit na kandila na nakapatong sa isang platito dito. Base sa ikli ng patay na kandila eh buong gabi itong buhay para magbigay ng liwanag habang wala pa ang araw.
Kahit na luma na ang bahay na ito ay may kakaibang uri ng kapangyarihan ang bumabalot dito.
Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Bumangon ako sa papag na hinigaan ko pagkatapos.
Naglakad ako palabas ng kwarto at napunta sa isa pang bahagi ng lumang bahay. Isang lalaki ang nakita kong nakaupo sa harap ng isang pabilog na lamesa habang humihigop ng kape.
Hindi ito maaari!
Kumilos ako ng mabilis. Gamit ang curse ko eh bumuo ako ng mga itim na paruparo na pumalibot sa akin.
"Magnus!" Pagsambit ko sa pangalan ng lalaking nasa harapan ko.
"Kung gusto kitang saktan, sana ay kanina ko pa ginawa habang wala kang malay kanina." Walang buhay niyang pagkakasabi.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...