Austin
Hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang takot na nararamdaman ko ngayon. Para akong bata na nagtatago sa likuran ni Cielo habang siya naman ay matapang na humaharap kay Minerva.
Maganda si Minerva pero mayroon kakaiba sa mga tingin at ngiti niya.
Parang tinitingnan niya ang kaluluwa mo. Parang alam na alam niya ang buo mong pagkatao. Parang ilang sandali na lang eh sasabihin na niya ang mga lihim mo.
Natatakot ako sa kanya kahit na hindi ko naman siya kilala.
"Tita Minerva..." Nagulat ako sa sinabi ni Cielo.
Kilala niya si Minerva?
"Talaga nga namang napakaliit ng mundo. Hindi ko naisip na makikita kita dito sa magic realm, Cielo." Sabi naman ni Minerva.
"Nung nalaman ko po ang tungkol sa mga cursed, dun ko naisip na sa'yo nakuha ni Es at Jasper ang pagiging curse nila." Dagdag pa ni Cielo.
Teka lang.
Ang sinasabi ba ni Cielo eh yung tungkol sa kakayahan ng mga babaeng cursed na ipasa sa mga anak nila ang pagiging cursed nito?
Ibig sabihin, si Minerva...
Ang Ina nila kuya Es at kuya Jasper.
Tumingin ako kay Cielo at tumingin din siya pabalik sa'kin. Tumango siya na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
"Ang buong akala ko po ay patay na kayo Tita Minerva..." Binalik ni Cielo ang tingin niya kay Minerva. Bakit naman niya nasabi 'yun?
"Kasama po kayo ni mommy sa paghahanap kay daddy at tito Magnus. Alam niyo po ba kung nasaan sila?"
Nag-iba yung tono ni Cielo. Naging malungkot siya nung tinanong niya ang bagay na 'yun.
"Maayos ang kalagayan nila Priam at Zab." Simpleng sagot ni Minerva.
"Sabihin niyo po sa'kin kung nasaan sila please." Pagmamakaawa ni Cielo. Hindi pa rin siya umalis at nanatiling nakaharang sa harap ko.
"Magkikita din kayo sa tamang panahon Cielo..."
"Matagal ko na po silang hinahanap. Please Tita."
"Hindi ako pumunta dito para sa'yo Cielo." Medyo tumaas yung boses ni Minerva nung pinutol niya ang pagsasalita ni Cielo.
"Kailangan kong makausap si Austin." Dagdag pa niya na ikinagulat ko.
Bakit ako?
Hindi umalis si Cielo sa harap ko. Nakikita ko na parang naiiyak na siya. Siguro dahil kahit paano eh alam niya na maayos ang kalagayan ng mga magulang niya na matagal na niyang hinahanap.
"Matigas talaga ang ulo mo." Sabi ni Minerva. Nilahad niya yung kanan niyang kamay tapos itinutok niya yun sa direksyon namin ni Cielo.
Nararamdaman ko ang malakas na uri ng kapangyarihan na bumabalot kay Minerva.
"Ivi Esne Adelan..." Yun yung mga salita na binigkas niya na hindi ko maintindihan.
Ilang sandali pa eh unti-unting tinupok ng pinaghalong kulay itim at purple na apoy ang buong katawan ni Cielo. Tinulak niya ko palayo sa kanya bago pa man ako masunog nung apoy.
Bumagsak ako sa damuhan. Nung binalik ko ang tingin kay Cielo eh binalot na ng apoy ang buo niyang katawan.
"Aaahhhh!" Daing ni Cielo.
"Cielo!" Tumayo ako. Lalapit sana ako sa kanya nang biglang lumakas yung apoy.
Para itong bolang apoy kung saan nasa loob si Cielo. Lumalaki ito at lumalakas. Hanggang sa hindi ko na makita ang kahit na anong bakas ni Cielo.
![](https://img.wattpad.com/cover/115871557-288-k291931.jpg)
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...