Prologue

5.5K 188 10
                                        

Sa isang malawak na silid ay makikita ang isang lalaki na nakatayo sa harap ng isang malaki at ginintuang salamin. Pinagmasdan niya ang kanyang sariling repleksyon.

Matangkad ang lalaking ito, may makinis na balat at magandang hubog ng pangangatawan. Ngunit sa kabila ng kakisigan ay naghahari ang lumbay at kalungkutan sa kanyang mukha.

Mula sa kanyang repleksyon ay itinuon naman niya ang atensyon sa isang kulay puting folder na hawak niya sa kanang kamay. Bahagya niya itong inangat at binasa ang nakasulat sa cover dito.

AUSTIN DALE C. ARAGONCILLO

Binuksan niya ang folder. Tiningnan niya ang mga larawang nilalaman nito na pinapakita ang isang binata. Binasa rin niya ang mga dokumento at ilang impormasyon tungkol sa binatang ito.

Name: Austin Dale Conception Aragoncillo

Age: 18

Type: Curse

Attribution/s: Fear Illusion and Power Destruction

Capabilities: Subject can sense and manipulate the dread, fear, horror and terror of others by creating, increasing or channeling fear to them through mental illusions. With Maximum attribution, subject can also destroy someone's gift or curse permanently.

"Jules Matthew..."

Isang mapang-akit na tinig ng isang babae ang bumasag sa katahimikan sa paligid. Muling ibinalik ng lalaki ang kanyang tingin sa salamin. Ngunit sa halip na sariling repleksyon ang makita mula dito ay imahe ng isang magandang babae ang kanyang nakita.

"Jules Matthew..."

Muling pagsusumamo ng babae mula sa salamin habang nagbibitaw ng mapang-akit na tingin sa lalaking nasa kanyang harapan.

Walang anumang salita ang lumabas sa bibig ng lalaki. Wala ito sa sarili na inangat ang kaliwang kamay at dahan dahang inilapat ang palad sa salamin. Ganun din ang ginawa ng babae.

Kasabay ng paglapat ng kanilang mga palad ay ang paglabas ng napakalakas at mapanira na uri ng kapangyarihan sa paligid.

"Malinaw na isang malaking banta ang lalaking iyan sa ating mga binabalak..." Pagtukoy ng babae sa lalaking binabanggit sa folder.

"Alam ko..." Walang buhay na tugon ng lalaki na tinatawag sa pangalang Jules Matthew.

Binaling niya ang tingin sa folder na hawak-hawak. Ilang sandali pa ay tinupok ng kulay itim na apoy ang folder, hanggang sa ang mga abo nito ay nalaglag sa sahig. Pagkatapos ay muli niyang tiningnan ang babae sa salamin.

"Hahanapin ko ang susi pati na rin ang batang iyan at sabay ko silang tatapusin. Walang maaaring makasagabal sa mga plano natin." Sabi nito habang patuloy na nilalaro ang kulay itim na apoy sa kanyang kamay.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mapula at pinong mga labi ng babaeng nasa salamin matapos marinig ang sinabi ng binata sa kanyang harapan.

"Tama Jules Matthew... Tama..." Pagsang-ayon niya sa mga sinabi ng lalaki.

"Tapusin mo silang lahat... Maghiganti ka... Sirain mo ang buhay nila tulad nang kung paano nila sinira ang buhay mo... Ipagkait mo sa kanila ang kapayapaan at kaligayahan tulad nang kung paano nila ito ipinagkait sa iyo... Wala silang karapatan na sumaya..." Dagdag pa nito.

"Tatapusin ko silang lahat... Sisirain ko ang buhay nila... Wala silang karapatan na sumaya..." Tila wala sa sariling pag-ulit ng lalaki sa mga sinabi ng babae sa kanya.

Humalakhak ang babae dahil sa mga narinig. Kasabay nito ay ang unti-unting paglaho ng kanyang imahe mula sa ginintuang salamin hanggang sa tuluyan na itong nawala. Muling nakita ng lalaki ang sarili niyang repleksyon sa salamin.

"Tatapusin ko kayong lahat... Tatapusin ko kayong lahat!!!" Sigaw ni Jules Matthew habang binabalot ng kulay itim na apoy ang buong katawan.


Austin's Curse

Start Date: July 14, 2017
End Date: January 10, 2018

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon