Twenty Six

2.5K 136 24
                                    

Deirdre

Bumangon ako sa higaan nang may masakit na katawan. Ilang araw ng nagt-training si Austin kasama sila Yesha at Cielo at araw-araw siyang umuuwi na pagod.

Nakakatuwa na siniseryoso talaga ni Austin ang pagsali sa Grand Battle of the Houses. Nakikita ko na gusto talaga niya ang ginagawa niya.

Full support ako kay Austin. Naisip ko na wag muna siyang pakialaman kapag nasa grand event na siya. Saka lang ako magt-take over kapag hindi na niya talaga kaya.

Ayoko namang mapunta lang sa wala ang pinaghirapan niya.

Dumiretso ako sa banyo at naligo. Pumili rin ako ng magandang damit. Umay na umay na ko dito sa AAA kaya pupunta muna ako sa bayan para mag-aliw.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nung nakasiguro na presentable na ko eh lumabas na ko ng kwarto.

Madilim sa hallway. For sure, lahat ng mga estudyante eh tulo na ang laway habang natutulog sa mga kwarto nila.

Sinigurado ko na tahimik lang ang mga kilos ko habang palabas ng House of Ruby Curse. Kapag may nagising at nakakita sa ginagawa ko, siguradong patay si Austin.

Nang tuluyan na kong nakalabas ng House of Ruby Curse eh mabilis akong nagtago sa dilim para lumabas sa academy. Madaming scouts na naglilibot sa paligid para magbantay ngayong gabi.

Pero walang makakapigil sa'kin.

Para akong assasin na tumatakbo nang walang kaingay-ingay sa dilim. Ganun lang ang ginawa ko hanggang sa makalabas ako sa mismong academy.

I feel so free.


++++++++++


Nandito ako ngayon sa Lorde Town. Isang maliit na bayan kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng mahihiwagang tindahan.

Merong tindahan ng mga sandata at baluti. May tindahan ng mga damit, roba, sapatos at iba pa. Marami rin tindahan ng mga pagkain.

Kahit malalim na ang gabi ay buhay na buhay pa rin ang Lorde Town. Maingay. Masaya. Makulay.

Napakasarap sa pakiramdam.

Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa isang bar. Pumasok ako at dumiretso dun sa bartender na isang duwende.

Sinabi ko ang order ko at mabilis naman siyang kumilos para i-prepare ito. Habang naghihintay eh pinagmasdan ko muna ang mga nasa paligid.

Marami rin ang nandito ngayon. Halos mapuno ng iba't ibang mahiwagang nilalang ang mga pabilog na mesa na nasa bar.

Yung iba nandito para magpakasaya. Umiinom, sumasayaw, kumakanta. May iba naman na gusto lang na mapag-isa.

Tulad ko.

Nilapag nung bartender yung inumin ko sa harapan ko. Kinuha ko ito at inamoy. Lalo tuloy nagising yung diwa ko.

Tinikman ko ito. Gumuhit sa lalamunan ko ang malakas pero napakasarap nitong timpla. Iba talaga ang inumin sa magic realm.

Kasabay ng pag-inom eh nakinig na rin ako sa magandang awitin na tumutugtog sa paligid.

This is the kind of break that I want.

Gamit ang hintuturo eh nilaro laro ko yung bibig nung baso ko. Ilang sandali pa eh naalala ko si Austin.

Proud ako sa kanya.

Nakikita ko na binibigay talaga niya ang best niya sa pagt-training kasama sila Yesha at Cielo. Masaya din siya na kasama ang mga bago niyang kaibigan na una niyang nakilala sa mortal realm.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon