Thirty Four

2.5K 146 40
                                        

Rigo

"JM, pinapatawag ka ni Boss."

Sa tagpo ng panahon kung nasaan ako ngayon ay binatilyo na si JM. Kasama pa rin niya ang iba pang mahiwagang nilalang na katulad niya sa kulungan.

Lumaki siya na malapit ang pagkakahawig kay Luigi. Matangkad siya, maputi, may magandang pangangatawan. Nakuha rin niya yung seryosong aura ng kanyang ama.

Kasalukuyan siyang kumakain habang nakaupo sa isang sulok. Inangat niya ang tingin niya sa lalaking tumawag sa kanya. Tulad ng iba pang bantay ay armado din ng baril ang lalaki.

Binuksan nung lalaki yung pintuan na rehas. Tumayo naman si JM kahit na hindi pa siya tapos kumain. Ipinunas niya ang mga kamay sa suot na pantalon at pagkatapos ay saka pinunasan ang bibig.

Pumunta si JM sa pwesto nung isa niyang kasamahan na lalaki. Sa pagkakatanda ko eh Santi ang pangalan niya.

"Sa'yo na 'to. Alam kong gutom ka pa." Inabot niya ang natitira niyang pagkain kay Santi.

"JM, ayos lang naman ako." Pagtanggi ni Santi.

"Wag ka na magsinungaling. Alam mo naman na nababasa ko ang isip mo." Ngumiti siya at muling inabot yung pagkain niya kay Santi.

"Salamat." Nahihiyang sabi ni Santi pagkatapos ay kinuha ang inabot na pagkain ni JM sa kanya.

"Bilisan mo!" Sigaw nung bantay kay JM.

Matalim ang tingin na binigay ni JM sa bantay. Ilang sandali pa eh pumunta si JM sa higaan niya at mula doon eh kinuha yung puting scarf na binigay sa kanya ng kanyang ina.

Ibinalot niya muna ito sa kanyang leeg bago lumabas ng kulungan at sumunod dun sa bantay na sumundo sa kanya.

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nung iba niyang kasamahan lalo na si Wayla at Sapphire. Si Markus naman eh tahimik lang na sinusundan ng tingin ang papalayong si JM.

Sinundan ko kung saan papunta sila JM. Naglakad sila sa isang madilim na pasilyo at pagkatapos ay huminto sa harap ng isang silid na may kulang itim na pintuan.

Binuksan nung bantay yung pinto at pinapasok si JM sa loob. Hindi naman pumasok yung bantay at nagpaiwan sa labas nung silid.

Naglakad-lakad si JM. Parang pamilyar na sa kanya yung silid. May nakita siyang isang pinto. Binuksan niya ito at pumasok sa loob.

Bumungad sa kanya ang isang malaking kama na may kulay pulang bedsheets at unan. Ang nakakapagtaka eh may mga lubid sa apat na sulok ng kama.

Ilang sandali pa eh may lumabas na babae dun sa banyo. Tanging twalya lamang ang nakatapis sa kanyang katawan at may twalya rin siya sa ulo.

Natatandaan ko siya. Siya yung babaeng kumuryente noon kay JM. Ngayon eh medyo may katabaan na siya tapos eh may kulay pa yung buhok niya.

"Alam mo na ang gagawin mo." Sabi niya kay JM.

Bumuntong hinga si JM. Hinubad niya yung puting scarf niya sa leeg at maayos itong itinupi bago inilagay sa upuan na nasa tabi niya.

Nagtanggal din siya ng suot niyang sando at pati na rin yung pantalon. Boxer na lang ang natira niyang suot bago siya humiga dun sa kama.

Lumapit yung babae kay JM tapos tinali niya yung mga kamay at mga paa nito gamit yung lubid na nasa kanto nung kama. Nung makasiguro siya na mahigpit na ang mga ito eh saka niya tinaggal yung twalya sa ulo niya pati na rin yung nakatapis na twalya sa katawan niya.

Poker face naman si JM. Para bang hindi na bago sa kanya ang mangyayari.

Pinili ko na lang na tumalikod at lumabas ng kwartong iyon. Hindi ko na papanoorin pa ang gagawin ng babae na yun sa kanya. Malinaw naman kung ano ito.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon