Austin
Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakaupo ako sa kama habang hawak ang isang kulay itim na sweater sa kanan kong kamay. Yung kaliwa ko naman eh nakahawak sa masakit kong ulo.
Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng ulo ko. Nung nagising ako kanina eh parang umiikot yung paligid ko.
Dahil ba sa gutom?
Dahil ba sa traning ko?
Ewan sabi ng kambing na may bangs.
Isa pa sa mga ipinagtataka ko eh kung kanino 'tong sweater na hawak ko. Hindi ko matandaan na may ganito akong damit.
Sa totoo lang, madami akong hindi matandaan sa mga nagdaang araw.
Minsan matutulog ako tapos bigla na lang ako magigising na iba na ang suot kong damit. Minsan nga may suot pa akong sapatos.
Minsan naman sasabihin ng mga classmates ko na nakita nila ako sa isang lugar. Tinatawag daw nila pero hindi ko daw sila pinapansin.
Yung iba naman sasabihin na may sinabi daw ako sa kanila na isang bagay. Pero ang totoo eh hindi ko matandaan na kinausap ko sila.
Hindi ko matandaan na ginawa ko ang mga bagay na sinasabi nila. Wala akong maalala.
Kahit na 'yung naging laban namin ni ate Cassandra noon, hindi ko matandaan ang mga huling nangyare.
Natatakot ako kasi pakiramdam ko may ibang tao na kumokontrol sa katawan ko. Pero napaka-imposible naman nun.
Nasa ganun akong pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako sa kama. Inayos ko muna ang sarili ko bago ko binuksan yung pinto.
Hindi ko ini-expect kung sino yung nakita ko.
"Austin..."
Si kuya Es!
Ngumiti siya tapos niyakap niya ko.
"Kuya Es." Niyakap ko siya pabalik. Tapos nun eh bumitaw din kami.
"Pasok ka muna." Pag-anyaya ko. Buti na lang hindi makalat sa kwarto ko.
Pumasok si kuya Es. Umupo siya dun sa sofa. Nakikita ko na pinagmamasdan niya yung kwarto.
"Kamusta Austin? Pasensya ka na ngayon na lang ulit ako nagpakita sa'yo." Sabi niya.
"Ok lang po. Ako nga po yung dapat humingi ng pasensya kasi umalis po ako ng penthouse na hindi man lang nagsasabi sa inyo." Umupo ako sa upuan kaharap siya.
Nung pumasok kasi ako dito sa AAA eh sa penthouse ako ni kuya Es unang tumuloy. Kaso kailangan niyang sumama sa research team na binuo ng konseho ng AAA para hanapin sila papa, daddy at iba pa.
Naisip ko na bumalik na lang ako sa House of Ruby Curse. Nakakahiya naman kasi kung sa penthouse ako titira eh hindi naman ako S-Class Mage.
"Pwede ka naman bumalik sa penthouse kahit anong oras." Sabi ni kuya Es.
Tumango tango ako.
"Kayo po kamusta? May balita na po ba kanila papa at daddy..." Kanina ko pa gustong itanong 'yun.
"Pasensya na Austin. Wala pa rin kaming lead sa kung sino ang nasa likod ng pagkawala ng pamilya mo." Nalungkot ako sa balita ni kuya Es. Sobrang miss ko na sila papa, daddy, kuya Winwin at kuya Sumsum.
"Meron kaming inaasikaso na mission ngayon. Maaaring may kinalaman ito sa pagkawala ng pamilya mo." Napatingin ako kay kuya Es dahil sa sinabi niya.
"Ano pong misyon?"
May kinuha siyang mga gamit sa bag niya. Nilapag niya ang mga ito sa lamesa. Mga scrolls at isang malaking mapa ng magic realm.

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...