Fifteen

2.8K 142 12
                                        

Khalil

Nandito kami ngayon nila Rigo at Luigi sa Hades. Nung nalaman namin kung ano ang nangyari kay Jasper eh nag-decide kaagad kami na pumunta dito para malaman kung ano ang magagawa namin.

Nakakulong si Jasper dahil sa pagnanakaw ng isang magical item. Alam ko na may katigasan talaga ang ulo niya pero hindi ako naniniwala na kaya niyang magnakaw at kung nagawa man niya ito, sigurado ako na may dahilan kung bakit.

Aaminin ko na nakakatakot dito sa Hades. Kulay dugo at itim yung kalangitan tapos puro bungo at kalansay pa sa paligid. Napaka init din siguro dahil sa mga bulkan na nasa paligid. Kahit nga yung mismong lupa na tinatapakan namin eh umuusok sa init.

Ang sabi ni Rigo ay mas nakakatakot daw dito noon kaysa ngayon. Kung anuman ang ibig niyang sabihin eh hindi ko na gustong alamin pa.


{A/N: Sa Rigo's Curse chapter 34: Selfless, namatay si Rigo nang ginamit niya ang curse niya sa sarili niyang kapatid na si Trevor. Sa sandaling iyon ay napadpad ang kalag o kaluluwa niya sa Hades sa maikling panahon at bumalik lang sa mortal realm nang muli siyang nabuhay. Ok back to regular programming.}

"Bine Ati Vinet, Alam Hades! (maligayang pagdating sa kaharian ng Hades!)"

Lumingon kaming tatlo para tingnan kung sino yung nagsalita. Si Aquila!

Nung namatay si Ignis, si Aquila na ang nagsimulang mamahala sa Hades. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaiba nilang dalawa pagdating sa pamamahala pero mabuting bathala si Aquila. Alam ko na marami siyang magagandang plano para sa Hades.

"Aquila, nandito kami para kay Jasper..." Seryosong pagkakasabi ni Luigi.

"Naiintindihan ko, pero isa lang sa inyo ang maaaring kumausap sa kanya. Sana ay maintindihan niyo na ito ay para sa seguridad hindi lamang ng mga nasa loob kungdi pati na rin ng mga nasa labas lalo na sa mortal realm."

Nagkatinginan kaming tatlo nila Rigo at Luigi. Nagpapakiramdaman kung sino ang pipiliin namin para makipag-usap kay Jasper.

"Ako na ang makikipag-usap kay Jasper. Madali sa'kin na malaman ang lahat kung babasahin ko ang isip niya." Sabi ni Luigi.

"Hindi mo magagawa 'yan Luigi." Simula ni Aquila.

"Ang mga piitan sa loob ay dinisenyo para pigilan ang anumang uri ng kapangyarihan tulad ng gift at curse. Magagamit mo lang ang kapangyarihan mo kapag nasa labas ka na ng mga piitan." Paliwanag pa niya.

"Ako na ang kakausap sa kanya." Suggestion ko.

"Wag kayong mag-alala. Naniniwala ako na hindi masamang tao si Jasper. Hindi niya ako sasaktan." Dagdag ko pa lalo na nung nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Rigo.

"Kung ganun ay ihahatid na kita kay Jasper, Khalil. Kayo naman Rigo at Luigi ay maaaring maghintay sa isang malawak na silid sa loob kasama ang iba pang bisita."

Tumango kaming tatlo bilang tugon kay Aquila. Ilang sandali pa ay nilahad niya ang mga kamay niya at gumawa ng dalawang magical portal.

Pumasok sila Rigo at Aquila sa portal na nasa kanan. Nung tuluyan na silang nakapasok ay tiningnan ako ni Aquila at binigyan ng isang matamis na ngiti bago sumenyas na pumasok sa portal na nasa kaliwa.

Pagpasok ko sa portal ay binalot ako ng kakaibang uri ng liwanag. Iba-iba ang kulay nito at matitingkad. Napapikit ako pero nagpatuloy pa rin sa paglalakad.

Nang muli kong idinilat ang mga mata ko ay nakita ko ang aking sarili sa loob ng isang maliit na silid. Sa gitna ay may isang bilog na lamesa. Ang nakasinding kandila na nakapatong dito ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon