Austin
"Enjoy your honeymoon, anak!" Sabi ni papa na nagpapula sa mukha nila kuya Summer at kuya Eros.
Nandito kami ngayon sa airport para ihatid sila kuya Sumsum at kuya Eros. Pupunta sila sa isang private island sa Palawan para i-celebrate ang honeymoon nila.
"Wag po kayong mag-alala, Tito Khalil. Hindi po kami uuwi hanggang hindi ko nabubuntis si Sumsum. Hehe." Pagbibiro ni kuya Eros.
Tumawa silang lahat tapos si kuya Winter naman tinakpan yung tenga ko. Kahit siya namumula rin.
"Tama 'yan Eros. Bigyan mo kami kaagad ng tatlong apo!" Sinakyan ni daddy yung biro ni kuya Eros.
Tumawa ulit sila pero ako tahimik lang.
Ang awkward sa part ko.
Hays.
Hays ulit.
Ilang sandali pa nagbuzz na yung intercom.
"Tama na nga 'yang mga kalokohan niyo. Mukhang ayan na ang flight niyo kambal." Sabi naman ni kuya Winwin.
"We better go na po. Gusto ko na rin po kasi masolo si Summer eh." Sabi ni kuya Eros habang nakaakbay sa asawa niya.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Niyakap ni papa si kuya Summer at niyakap naman siya ni kuya pabalik.
"Sobrang saya ko para sa inyo anak..." Simula ni papa.
"Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng pamilya natin, ang tanging mahihiling ko lang para sa inyo ay ang tunay na kaligayahan." Dagdag pa ni papa.
"Salamat, Pa." Sagot naman ni kuya Summer.
"Tama na 'yang drama niyo. Bilisan niyo na anak at baka maiwan pa kayo ng flight niyo." Sabi naman ni Daddy. Nangingilid din yung luha sa mga mata niya.
Nagyakapan din sila kuya Summer at Daddy. Pagkatapos eh si kuya Winter naman ang niyakap ni kuya Summer.
"I love you kambal..."
"I love you too kambal..."
Nung natapos sila eh ako naman ang niyakap ni kuya Summer.
"I love you bunso..."
Niyakap ko muna si kuya Summer ng mahigpit bago ako sumagot.
"I l-love you too k-kuya."
++++++++++
"Si Escalante ba 'yun?"
Hininto sandali ni Daddy ang pagmamaneho ng sasakyan. Nakita namin si kuya Es na nakatayo sa labas ng bahay namin. As usual ay naka all white na naman siya.
Naunang bumaba ng sasakyan sila daddy at papa. Sumunod naman kami ni kuya Winwin. Tapos eh lumapit kami kay kuya Es.
"Magandang umaga Escalante" bati ni papa.
"Magandang umaga po Tito Rigo, Tito Khalil..." Nakangiting tugon ni kuya Es.
"Kanina ka pa ba naghihintay dyan?" Tanong naman ni Daddy.
"Kararating ko lang din po." Magalang na sagot ni kuya Es.
"Nag breakfast ka na ba?" Sunod na tanong ni daddy.
Tumango naman si kuya Es bilang tugon.
Tumingin si kuya Es kay kuya Winter. Hindi ko maintindihan pero alam ko na may kahulugan ang tingin na 'yun.
"Naparito po ako para makausap si Winter." Sabi ni kuya Es habang nakangiti.
"Kung ganun eh papasok muna kami sa loob para makapag-usap kayo. Kung may kailangan kayo eh pumasok na lang kayo sa loob ah." Yun lang at pumasok na kami nila papa at daddy sa loob ng bahay habang naiwan naman sa labas si kuya Es at kuya Winwin.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...