Khalil
Sakay ng Crystal Dragon na ginawa ni Sapphire ay ligtas kaming nakarating sa AAA. Pagkababa namin sa main gate eh sinabihan kaagad kami ni Sapphire na huwag munang pumasok sa loob. Sa tingin ko ay may hinihintay siya.
Tiningnan ko sila Priam at Zaab. Masaya sila habang kasama ang anak nila na si Cielo.
Ayaw ko man aminin pero nakaka-inggit sila. Sana makumpleto na rin kami. Sana rin eh matapos na ang lahat ng kaguluhang ito.
Nasa ganun akong malalim na pag-iisip nang napatingin si Cielo sa'kin. Ngumiti siya sa'kin tapos eh nagpaalam muna sa mga magulang niya para lapitan ako.
"Kayo po ang Papa ni Austin di'ba?" Magalang niyang tanong.
"Ako nga. Tito Khalil na lang ang itawag mo sa'kin." Nakangiti kong sagot.
"Isa ako sa mga kaibigan ni Austin at masasabi ko na mabait siya, Tito Khalil. Sigurado ako na matutuwa siya na makita kayo." Simula niya.
"Kayo po yung naging motivation niya kaya siya sumali sa Grand Battle of the Houses." Nagulat ako sa dinagdag ni Cielo.
"Sumali si Austin si Grand Event?" Paglilinaw ko.
"Opo. Kaso nagkaroon ng kaguluhan nung registration dahil sa pagsugod ni Tita Minerva. Nahuli niya ko pero hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Austin."
Si Minerva, ang asawa ni Magnus. Siya ang huling myembro ng Malfinio at pumalit sa asawa niya. Pero ang paliwanag sa'kin nila Priam at Zaab eh nasa ilalim ng Mind Control ni Jules Matthew si Minerva kaya nakakagawa ito ng mga bagay na labag sa kalooban niya.
Magtatanong pa sana ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko.
"Wala kang dapat ipag-alala dahil ligtas si Austin." Lumingon ako sa pinaggalingan ng pamilyar na boses na 'yun.
Si Magnus!
At kasama niya ang asawa ko na si Rigo!
Nagmamadali akong tumakbo papalapit sa asawa ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na napigilan pa na umiyak nang naramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin.
"Salamat.. at ligtas.. ka.." Pahikbi hikbi kong sabi.
"Niligtas ako ni Magnus." Bulong ni Rigo sa'kin.
Bumitaw ako sa yakapan namin para tingnan ang mukha niya. Akala ko hindi ko na siya makikita. Ang huli kong natatandaan eh gumawa ng portal si Magnus para makaiwas sa atake ni Jules Matthew at sinama niya si Rigo sa loob nung portal.
Sandali lang...
"Rigo, anak ni Luigi si Jules Matthew." Sabi ko. Yun ang nakita ko sa past ni Jules Matthew nung nahawakan ko siya sa unang pagkakataon.
"Alam ko Khalil. Pinakita sa'kin ni Magnus ang nakaraan ni Jules Matthew." Sabi naman niya.
"Nilamon na ng galit ang buong pagkatao ni Jules Matthew. Kung hindi natin siya mapipigilan eh baka mapatay niya ang ama niya." Dagdag pa niya.
"Tanging si Luigi lang ang nakikita ko na may kakayahang pigilan si Jules Matthew. Kailangan niyang magising at malaman ang totoo tungkol sa anak niya." Sabi naman ni Magnus.
"Khalil, ikaw ang makakagawa ng bagay na 'yun." Dagdag pa niya. Tumango ako. Naiintindihan ko ang gustong mangyari ni Magnus.
"Rigo, Sapphire, at Cielo. Kailangan natin masiguro ang kaligtasan ni Khalil." Tulad ko eh tumango din ang iba sa utos ni Magnus.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin 'yan dahil p-proteksyunan ko ang asawa ko kahit anong mangyari." Sabi naman ni Rigo.
Sunod naman na kinausap ni Magnus sila Priam at Zaab.

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...