Summer
Kasabay ng tuluyan na paglubog ng araw ay ang pagbalot ng dilim sa kalangitan. Paulit ulit na hinahampas ng mga alon ang dalampasigan sa marahas na paraan.
Gamit ang kanang kamay ay sinuklay ko ang buhok ko na ginugulo ng malakas na ihip ng hangin. Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim.
Pumasok sa isip ko ang imahe ng kakambal ko. Kung tama ang pagkakarinig ko sa sinabi ng lalaking nasa harap ko ngayon ay nasa panganib ang buhay ni Winter.
Kailangan niya ko.
Dinilat ko ang mga mata ko at tiningnan ng mabuti si Santi. Wala namang kakaiba sa kasuotan niya. Pero hindi ko maitatanggi ang malakas na uri ng kapangyarihan mula sa kaniya.
"Ano ang kailangan niyo sa aming magkapatid?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Wala kaming kailangan sa inyo ng kakambal mo. Pero sa bunso mong kapatid, meron." Sagot ni Santi habang nakangiti. Nakaka badtrip yung ngiti niya.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Ano ang kailangan nila kay Austin?
"Kailangan namin siya para maisakatuparan namin ang mga plano namin sa hinaharap."
"Anong mga plano?"
"Alam mo Ezekiel, masyado kang maraming tanong. Hindi na mahalaga pa kung malalaman mo ang lahat-lahat dahil mamamatay ka din naman."
Naaalala ko si Tito Trevor sa katauhan ni Santi. Parehas silang mayabang.
"Una sa lahat, hindi Ezekiel ang pangalan ko kungdi Summer. Pangalawa, hindi ako papayag na mamatay ako sa kamay ng isang katulad mo. Pangatlo, kung hindi mo sasabihin sa'kin ang lahat lahat, dadalhin na lang kita kay Headmaster Luigi para mabasa niya ang isip mo."
Habang sinasabi sa kanya ang mga 'yun ay naghanda ako para sa pakikipaglaban. Inayos ko ang tikas at pagkakatayo ko. Hindi ko din inalis ang titig ko sa kanya.
"Hahaha!" Isang malakas na pagtawa ang naging tugon ni Santi sa mga sinabi ko.
"Ezekiel o Summer, wala akong paki-alam. Papatayin kita. Isa pa,wag mong ipagmalaki sa'kin ang headmaster niyo dahil nakakasiguro ako na sa mga oras na ito ay kaharap na niya si Jules Matthew, ang panginoon ko."
Nagulat ako sa sinabi niya.
Kung ganun ay hindi lang kami ni Winter ang may kinakaharap na kalaban ngayon kungdi pati na rin si Uncle Luigi. Sa pagkakaalam ko ay kasama niya sila Papa at Daddy sa Hades para asikasuhin ang kaso ni Jasper.
Lahat kami ay nasa panganib ngayon.
"Kung totoo ang sinasabi mo sigurado ako na nakaluhod na ang panginoon mo sa headmaster ko at nagmamakaawa na hindi siya tapusin nito."
"Hindi mo kilala si Jules Matthew. Kayong lahat ang luluhod sa kanyang harapan at magmamakaawa para sa inyong buhay pagdating ng panahon."
"Alam mo medyo madaldal ka rin eh. Bakit hindi na lang natin simulan 'to!" Kumuha ako ng bwelo at tumalon ng napakataas. Pagdating sa ere ay nag-focus ako.
"Aeris!"
Binalot ng gintong liwanag ang buo kong katawan. Mabilis din itong naglaho at naging maliliit na butil ng liwanag.
Ilang sandali pa ay suot ko na ang baluti na may pinaghalong kulay ng itim at abo. May kulay itim na pakpak din sa likuran ko at isang mahabang espada naman sa isang kamay.
Ang Escudo ng Hangin, Aeris.
Habang bumubulusok pababa sa direksyon ni Santi ay inangat ko at aking espada. Itinutok ko ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasiMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...