Austin
dug dug.. dug dug..
Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng tibok nito. Hindi ko na nabilang kung ilang ulit na ko huminga ng malalim at bumuga para lang mawala ang kaba ko.
Nasa harap ko ngayon si Cassandra. Nandito kami sa bahagi ng kagubatan na malapit sa isang waterfalls.
Maliban sa buwan at mga bituin sa kalangitan, ang mga alitaptap din sa paligid ang nagbibigay ng liwanag at kulay sa kinaroroonan namin.
Iba-iba ang kulay na nagmumula sa kanila. May kulay berde, dilaw, pula, asul at kung anu-ano pa. Napakaganda pero hindi pa rin nito maalis ang kaba na naghahari sa puso ko.
Dahil ilang sandali na lang ay maglalaban na kami ni Cassandra. Tulad ng napagkasunduan ay sasama siya sa'min at tutulungan niya kami na malaman kung ano ang totoong nangyari sa pamilya ko kapag nanalo ako.
Pero kapag natalo naman ako eh kailangan na namin siyang lubayan ni kuya Es.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Austin?" Tanong sa'kin ni kuya Es na nasa tabi ko lang.
Siya ang magiging referee namin ni Cassandra.
Tumingin ako sa kanya. Nasa mukha niya ang pag-aalala. Siguro dahil alam niyang malabo na manalo ako sa laban namin ni Cassandra.
Malabo... Pero hindi imposible...
Ngumiti ako kay kuya Es at tumango. Kinapa ko sa dibdib ko yung suot kong Promesa ni papa. Nilaro laro ko ito sa mga daliri ko at ang weird kasi bigla kong naala si papa.
Ayaw kasi niya na napapahamak ako eh. Kahit nga yung pagtuturo sa'kin ni daddy ng mga self-defense ayaw niya kasi baka daw maging basag ulo ako.
Sorry papa. Alam ko na ayaw mo na sumasali ako sa mga gulo pero itong laban ko, para 'to sa'yo. Para 'to sa pangalan mo.
Hindi ako papayag na maging madumi ang imahe mo sa harap ng konseho ng AAA lalo na kanila Grandmaster Julian at Matteo.
"Handa ka na ba Austin?" Nanggaling ang tanong na yun kay Cassandra.
Tumingin ako sa kanya. Walang kahit na anong emosyon sa mukha niya.
Ilang sandali pa eh may kinuha siya sa likuran niya. Nilahad niya 'to sa harap niya at tiningnan ko kung ano ito.
Isang latigo.
Yun ang gagamitin niyang sandata laban sa'kin.
Inayos ko ang tindig ko. Hindi ako dapat magpadala sa takot. Kailangan kong manalo sa laban namin.
Hinubad ko yung Promesa sa leeg ko tapos nilahad ko yun sa kanan kong kamay.
"Promesa, ipakita mo ang tunay mong anyo."
Lumiwanag yung kwintas at nagpalit ng anyo bilang isang pana. Hinatak ko yung pisi nito at bigla na lang nagkaroon ng palaso dito na gawa sa kulay puti na enerhiya.
Maliban sa palaso eh bigla rin luminaw ang paningin ko. Kahit na madilim sa paligid eh nakikita ko pa rin ang lahat ng detalyado.
Ito ang kapangyarihan ng Promesa. Umaasa ito sa enerhiya ng user para makagawa ng palaso. Binibigyan din nito ng mata na katulad ng sa lawin ang user nito. Kaya kahit na hindi ka bihasa sa archery eh magiging magaling ka.
"Mukha namang handa ka na. Simulan na natin 'to!"
Tumakbo papalapit sa'kin si Cassandra. Masyado siyang mabilis samantalang ako naman parang na-estatwa sa kinatatayuan ko.

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...