Thirty Eight

2.6K 129 21
                                    

Austin

Nagising ako kinabukasan na wala na si Kuya Jasper sa AAA. Tulad ng sinabi niya kahapon eh siya na lang ang lalayo para hindi na kami mahirapan pareho.

Masakit. Sobrang sakit. Wala naman kaming magagawa eh. Parehas kaming nakakulong sa sumpa ng mga kapangyarihan namin.

Ang Ultimatum.

Kapag nagmahal si kuya Jasper at minahal siya pabalik ay mamamatay siya at ang taong 'yun dahil sa mga demons na nasa katawan ni kuya Jasper.

Ako? Sabi sa'kin ni Mommy noong nabubuhay pa siya, hindi ko daw maaaring gamitin ang Power Destruction ko sa sarili ko at sa taong mahal ko.

Noong una nagtataka ako kung bakit ganun ang Ultimatum ko. Bakit ko naman gagamitan ang sarili ko o ang taong mahal ko ng Power Destruction?

Pero ngayon alam ko na ang sagot sa lahat ng tanong ko. Nalaman ko ito sa pinakapangit na paraan.

Pinunasan ko ang mga luha ko. Ayan ka na naman Austin. Umiiyak ka na naman.

Nag decide ako na maglakad lakad palibot sa AAA. Marami na rin akong ala-ala na nabuo sa school na 'to.

Dito ko nakilala sila kuya Summer at kuya Winter. Sila ang bumago sa buhay ko.

Dito ko din nakilala ang mga bago kong kaibigan. Sila Yesha at Cielo.

Naalala ko na dito ko din madalas tingnan sa malayo noon si kuya Jasper. Ayokong nilalapitan siya kasi nga nakakatakot siya eh. Ultimate bully.

Napangiti ako sa mga naalala ko.

Huminto ako sa paglalakad nang makarating ako sa harap ng Waterfalls of Winter. Ang talon na ito ay dedicated para kay kuya Winter dahil sa pagiging S-Class mage niya.

Pakiramdam ko eh tinatawag ako ng tubig kaya bumaba ako para lumangoy. Wala naman ibang tao sa paligid kaya ok lang naman.

Naramdaman ko kaagad ang lamig nung lumusong ako sa mababang parte. Nung sigurado na ko na kaya na ng katawan ko yung lamig eh tumuloy ako sa malalim na bahagi.

Ang lamig ng tubig, ang tunog ng lumalagaslas na tubig, ang katahimikan.

Kapag kailangan ni kuya Winter ng peace of mind eh lumalangoy siya. Mukhang tama siya. Nakakarelax nga. Kahit paano gumagaan ang pakiramdam ko.

Hindi naman siguro masama kung hihilingin ko na makalimot kahit sandali lang. Pwede naman sigurong mag timeout muna sa kalungkutan di'ba?

Nagfloat lang ako. Nakapikit at hinahayaan ang tubig na iangat ang katawan ko. Pinipilit kong alisin sa isip ko ang mga problema kahit sandali.

Ang pagkawala ng pamilya ko...

Ang masamang plano sa'kin ng organisasyon na Malfinio...

Ang pag postpone sa grand battle of the houses...

Ang paglayo ni kuya Jasper...

Hays.

Huli na para mapansin ko na unti-unti na pala akong lumulubog sa tubig habang nasa malalim na pag-iisip.

Minulat ko ang mga mata ko. Pinigilan ko din ang paghinga at kinontrol ang katawan para hindi ako lumubog ng tuluyan.

Sinubukan ko na umangat sa tubig pero may malakas na pwersa na tumutulak sa'kin pababa. Siguro yun yung bumabagsak na tubig sa talon.

Kapag nagtagal to baka malunod ako.

"Austin..."

Nagulat ako nung may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako sa pinanggalingan nito.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon