Fourteen

3K 132 10
                                    

Summer

Pinagmasdan ko ang paligid. Nasa tabi ko si Ina Alvira. Tulad ko ay handa na siya sa pakikipaglaban.

Sa harap namin ay si Santi. Nasa labi pa rin niya ang nakakainis niyang ngiti. Matalas din ang tingin niya sa'min ni Ina Alvira.

Di kalayuan ay naroon si Eros. Nasa loob siya ng isang globo ng gintong liwanag at doon ay nakagapos sa kanyang katawan ang makakapal na kadena.

Hindi ko alam kung hanggang saan ang itatagal niya pero nakikita ko sa mukha niya ang labis na panghihina. Kailangan kong magmadali. Kailangan ko siyang mailigtas.

Binalik ko ang tingin kay Santi. Ngayon ay may ideya na ko kung ano ang kaya niyang gawin.

Inalabas ko ang sandata ko...

Tessen Fans o War Fans.

Isang pares ng pamaypay na may mga mahahabang patalim. Di pangkaraniwan ang laki nito. Kapag nakasara naman ay nagsisilbi itong mga maiikling espada.

Ito ang gagamitin ko laban kay Santi.

Magkasabay kong inilahad ang mga ito. Nakita ko ang pagkislap ng mga patalim nito dahil sa liwanag ng buwan.

Tumayo ako ng tuwid. Ipinantakip ko sa mukha ang pamaypay na hawak ko sa kanang kamay. Itinutok ko naman ang isa sa direksyon ni Santi.

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"Hahaha. Sigurado ka ba sa weapon of choice mo Summer? Mukhang napalakas yata ang suntok ko sa mukha mo at pati ang utak mo ay naalog." Pambubuska ni Santi.

Suot pa rin niya ang armor niya na tinatawag niyang "Wrath of Galatea Armor". Nakapaligid din sa kanya ang kanyang anim na espada na yari sa kulay purple na kristal at gintong hawakan.

"Sapat na ang mga ito para tapusin ka..." Sagot ko. Tumingin ako kay ina Alvira sandali at pagkatapos ay kay Santi ulit.

"Ano ang ginagawa mo dito sa mortal realm Ina Alvira?" Tanong ko sa mahinang boses.

"Handa akong sagutin ang lahat ng mga katanungan mo Summer pero hindi sa ngayon. Magtulungan muna tayo para tapusin ang lalaking 'yan." Pagtukoy niya kay Santi.

Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Siguraduhin niyong dalawa na ibibigay niyo sa'kin ang pinakamagandang laban." Panghahamon ni Santi.

"You want the best battle... I'll give you the best battle..."

Pinag-aralan ko ng mabuti ang sitwasyon namin. Dalawa laban sa isa. Malaki ang pag-asa namin na manalo.

Ang inaalala ko lang ay si Eros. Kailangan ko siyang mailayo dito. Hindi niya kakayanin ang lakas ng mga magbabanggaan naming kapangyarihan.

Nagfocus ako ng mabuti. Inisip ko ang isang pamilyar na lugar kung saan ko minsang pinangarap na makaharap ang mga kapwa ko estudyante ng AAA sa battle of the houses noon.

Ang Grand Arena...

Ginamit ko ang kapangyarihan ko para baguhin ang kinaroroonan namin. Unti unting naging sementado ang buhanginan na tinatapakan namin. Napalitan din ng mga nagsisitaasang tore ang mga puno. Nagkaroon din ng mataas at makapal na pader na nakapalibot sa buong arena.

Kuhang kuha ng ginawa kong arena ang arena na nasa AAA. Ang tanging pinagkaiba lang eh walang sinuman ang nakaupo sa mga upuan para panoorin ang magiging laban namin.

Hindi rin makikita si Eros sa paligid. Ginawan ko siya ng isang sikretong silid kung saan hindi siya madadamay sa magiging laban namin nila Ina Alvira at Santi.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon