Six

3.1K 134 4
                                    

Third Person

"Mukhang walang anumang tinataglay na  espesyal na kakayahan ang cursed na 'yan Jules Matthew. Bakit hindi mo pa siya tinapos nung may pagkakataon ka pa?"

Nagmula ang katanungan na iyon sa isang magandang babae. Matangkad siya, may mala porselanang kutis at maalon na buhok. Sa kanyang mga mata ay makikita ang kakaibang katapangan at bangis.

Maliban sa kanya ay makikita rin sa silid ang dalawang makikisig na lalaki. Nakapalibot silang lahat sa isang malaki at tatsulok na lamesa. Batid sa kanilang mga mukha na seryoso ang kanilang pinag-uusapan.

"At isa pa sa mga pinagtataka ko ay kung bakit kailangan mo pang gumamit ng decoy? Bakit ka pa gumamit ng iba para harapin ang Austin na 'yan eh kung tutuusin ay napakahina niya? Ano bang pinaplano mo, Jules Matthew?" Dagdag pa nung babae.

Sa kabila ng mga katanungan na ibinabato sa kaniya ay nananatiling tahimik si Jules Matthew. Nakapako ang kanyang atensyon sa hawak niyang lumang litrato ng isang babae na may karga kargang bata. Napakatamis ng mga ngiti nila samantalang walang anumang emosyon ang makikita kay Jules Matthew.

"Jules Matthew..." Muling pagtawag ng babae sa kanyang kinakausap.

"Totoo ang lahat ng sinabi mo Wayla..." Sa wakas ay sumagot na rin si Jules Matthew bagamat nakatuon pa rin ang tingin sa litratong hawak-hawak..

"Gumamit ako ng decoy para alamin kung hanggang saan ang kaya niyang gawin. Isa pa ay nag-iingat din ako lalo na't may kakayahan siyang tanggalin ng permanente ang kapangyarihan ng isang mahiwagang nilalang." Pagpapatuloy niya.

"Sa pakikipaglaban ko sa kanya ay nakita ko na mahina siya at hindi niya gamay ang kanyang curse. Ngunit isang bagay ang nalaman ko nung nagawa kong basahin ang kanyang isip. Sa kabila ng kahinaan niya ay mayroon siyang katalinuhan na taglay." Tumayo sa Jules Matthew at nagsimulang maglakad papunta sa isang malaki at ginintuang salamin na nasa silid.

"Wag ka nang magpaligoy ligoy pa JM. Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?" Sa pagkakataong ito ay ang ikalawang lalake naman ang nagbato ng tanong sa kanilang tumatayong pinuno.

Tulad ni Jules Matthew ay makisig din ang lalaking ito. Matangkad, may malaking pangangatawan at morenong balat. Nakaguhit sa kanyang mga labi ang isang tusong ngiti.

"Nagbago na ang isip ko Santi..." Simula ni Jules Matthew. Tinitingnan niya ang repleksyon ng mga kausap sa salamin na nasa kanyang harapan.

"Sa halip na patayin ay nais ko siyang kuhain bilang bagong myembro ng ating grupo. Ako ang mismong magsasanay sa kanya nang sa ganon ay magamit natin ang kanyang kakayahan sa mga plano natin sa hinaharap."

"Paano mo naman gagawin 'yun?" Tanong ng babae na tinatawag sa pangalang Wayla.

"Una ay aalisin natin sa kanyang buhay ang mga mahalagang bagay na nagsisilbi niyang dahilan para maging mabuti, tulad ng kanyang mga mahal sa buhay. Pagkatapos ay saka natin dudurugin ang kanyang puso at sisirain ang kanyang moral..." Paliwanag ni Jules Matthew.

"Sa oras na mangyari 'yun ay mahihirapan siyang bumangon lalo na't wala na siyang makakapitan pa. Doon tayo magpapakilala sa kanya. Ipapakita natin sa kanya na tayo lang ang tanging makakatulong sa kanya at wala ng iba pa." Humarap si Jules Matthew sa mga kausap pagkatapos niyang magpaliwanag.

"Kailan natin sisimulan ang plano mong 'yan JM?" Tanong naman ng lalaki na tinatawag sa pangalang Santi.

"Sa lalong madaling panahon..." Sagot ni Jules Matthew.

"Santi, ikaw ang bahala sa kapatid ni Austin na si Summer..." Dagdag pa nito. Malaki ang ngiting binitawan ni Santi nang dahil sa narinig.

"Ikaw naman Wayla ang haharap kay Winter..." Pagpapatuloy niya.

"Sa wakas ay madadagdagan na naman ang mga pets ko. Haha!" Sagot naman ni Wayla.

"Ako naman ang bahala sa kanilang mga magulang... Si Khalil at Rigo." Pagtatapos ni Jules Matthew sa plano.

Tumayo si Wayla at Santi bitbit ang kanilang wineglass. Nilahad naman ni Jules Matthew ang kanang kamay at gamit ang isip ay pinalutang niya sa ere ang sariling wineglass papunta sa kanyang kamay. Pagkatapos nito ay nagtipon sila.

"Para sa tagumpay ng Malfinio! Cheers!"

"Cheers!"

Author's Note: Ano kaya ang kakayahan nila Wayla at Santi? Mananalo ba ang Aragoncillo twins laban sa kanila? Paano naman sila Khalil at Rigo laban kay Jules Matthew?

Author's Note: Ano kaya ang kakayahan nila Wayla at Santi? Mananalo ba ang Aragoncillo twins laban sa kanila? Paano naman sila Khalil at Rigo laban kay Jules Matthew?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nerissa Shawyer as Wayla

Kristofer Garcia as Santi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kristofer Garcia as Santi

TO BE CONTINUED

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon