Thirty Six

2.7K 119 26
                                    

Austin



Ang bigat ng pakiramdam ko. Dinilat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid. Base sa disenyo ng silid na kinaroroonan ko eh nasa university clinic ako.

Si otor talaga, every time na magsisimula ang pov ko palagi na lang akong nasa tagpo na magigising ako sa  malalim na pagtulog.

Tapos yung previous chapter naman eh nagtapos na nawalan ako ng malay pagkatapos ng laban.

Pansin niyo?

Nasa punto ako ng buhay ko na hindi ko na alam kung ano ang gustong i-punto ni otor.

{A/N: Peace tayo Au! Hahaha!}

Bumangon ako sa malambot kong higaan. Tiningnan ko yung table na nasa kaliwa ko at natuwa ako nung nakita kung ano yung nandun.

Mga stuff toys ng characters sa favorite kong cartoon show, Adventure Time!

Kinuha ko kaagad yung stuff toy na flinn the human at jake the dog. Niyakap ko sila at inamoy-amoy. Nakakaginhawa ng pakiramdam yung bango at lambot nila.

Patuloy ako sa pagyakap sa mga stuff toys nang biglang bumukas yung pinto sa kwarto ko.  Napanganga ako nung nakita ko kung sino yung pumasok.

"Gising ka na pala Tin..." Nakangiti niyang sabi. Nakakahipnotismo yung malalim niyang boses at magaganda niyang mata.

Lumapit siya sa'kin. Dun ko lang napansin na may dala pa siyang ibang stuff toys mula sa favorite kong cartoon show. Nilapag niya lahat yun sa lamesa ko at halos malaglag na yung iba dahil sa sobrang dami nila.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sabay upo sa kama ko. Hinawakan din niya yung kanan kamay ko gamit yung mga kamay niya.

Mas malaki yung mga kamay niya kaya nakulong tuloy yung kamay ko.

"K-kuya Jasper." Teka. Bumalik ba yung pagiging utal ko?

Ngumiti sa'kin si kuya Jasper na para bang musika sa pandinig niya na tawagin ko ang pangalan niya. Nakakadistract yung piercing niya sa lower lips.

Hindi ko alam kung gaano na ba katagal yung huli naming pagkikita. Pero sigurado ako na na-miss ko siya ng bigtime.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na niyakap siya ng mahigpit. Siniksik ko yung ulo ko sa dibdib niya.

Hanggang sa naramdaman ko na niyakap niya ko pabalik. Mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam nung mainit niyang katawan.

Ilang minuto din kaming nasa ganung sitwasyon. Bumitaw kami sa pagyayakapan. Ayoko muna siyang tingnan kasi nahihiya ako.

Hindi ko alam kung bakit. Basta.

Hinawakan niya yung baba ko at marahan na inangat yung ulo ko para tingnan siya. Nagtama yung mga paningin namin. Dun ko lang napansin na umiiyak pala siya.

"Akala ko hindi na kita makikita ulit." Sabi niya. Suminghot siya tapos natawa ng kaunti.

"N-nakalaya ka n-na..." Woah. Bumalik ba talaga yung pagiging utal ko?

"Ayoko sana makaabot sa'yo yung balita na nakulong ako pero nalaman mo pa rin pala." Simula niya.

"Oo, malaya na ko. Tinulungan ako ni Aquila. Saka binawi na rin nung mga taga-Dreo yung kaso na sinampa nila sa'kin." Paliwanag niya.

Saka ko lang naalala ang dahilan kung bakit siya nakulong. Ninakaw niya yung magic item na Loras sa kaharian ng mga babaylan, ang Dreo.

Tapos binigay niya sa'kin yung Loras. Katulad ng sabi ni Minerva, ginawa daw yun ni kuya Jasper para mawala ng permanente ang curse ko dahil ayun ang tunay na kakayahan ng Loras.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon