Deirdre
Gabi na at tulad ng madilim na langit eh color black din ang suot kong sweater ngayon.
Naaamoy ko pa rin ang amoy ng original na may-ari ng damit na 'to. Si Elijah.
Hindi ko alam kung bakit ko siya hinahanap. Ang una at huli naming pagkikita eh dun sa bar sa bayan ng Lorde. I'll be honest, gusto ko siya ulit makita.
Pero mas mahalaga sa'kin si Austin.
Pakiramdam ko kapag nakita ko ulit si Elijah, baka hindi ko na mapigilan na isuko ko ang sarili ko sa kanya. If you know what I mean. Ayoko naman mangyari yun no.
May mga pagkakataon na naiinis ako kay Austin dahil napaka pabebe niya pero hindi naman ibig sabihin nun eh gagawa na ko ng bagay na ikakapahamak niya. Ako na lang ang meron siya at siya na lang ang meron ako.
Naglalakad lakad lang ako dito sa AAA. Walang specific na lugar na pupuntahan. Gusto ko lang makapag-isip. Ganun.
Niyakap ko ang sarili ko nung naramdaman ko ang lamig ng hangin. December na rin pala.
Sana naman maging maayos na ang lahat bago magpasko. Sana makumpleto na ang pamilya namin ni Austin.
Nilagay ko yung mga kamay ko sa bibig ko at nagsimulang bumuga ng mainit na hangin dito. Tapos eh pinagkiskis ko ang mga ito at dinikit sa pisngi ko. Then repeat.
Kilala na ko ni Austin. Maliban dun eh hinayaan niya ko na mag-take over sa katawan namin. Alam ko na gising siya at nag-oobserve lang sa kung ano ang gagawin ko.
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Austin. Isipin niyo na lang na ako lang ang nakakarinig sa kanya.
"Gusto kong lumabas, magpakalasing sa bayan para makalimot kahit sandali."
"Hindi pwede Deirdre. Hindi ako nainom ng alak."
Natatawa ako sa kanya. Para siyang bata. Napaka inosente.
"Hindi ka ba pwedeng biruin? Wala akong pupuntahan ok? Dito lang ako." Para akong tanga na nagsasalitang mag-isa. Buti na lang talaga walang ibang tao sa paligid.
"Salamat." Sabi niya.
Tumahimik ako. Nagpatuloy lang sa paglalakad habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
"Ano ang gusto mong makalimutan?" Nagtataka ako sa tanong ni Austin.
"Ano bang sinasabi mo dyan?"umiirap ako kahit wala naman dapat irapan.
"Sabi mo kanina, gusto mong magpakalasing para makalimot kahit sandali." Paliwanag niya.
Natahimik ulit ako. Matagal bago ako nakasagot sa tanong niya.
"Lahat..."
"Lahat?"
"Lahat ng pinagdadaanan mong problema, problema ko na din. Yung pagkawala ng mga magulang natin. Yung pagpostpone sa grand battle. Pati na rin yung masamang plano sa'yo nung Malfinio." Simula ko.
"Nararamdaman ko ang kalungkutan mo Au. Iisa lang tayo eh. Ang pinagkaiba lang natin eh mas matapang ako. Hindi ako iyakin katulad mo." Ngumiti ako sa sinabi ko.
"Hindi ako iyakin." Pag-angal niya.
"Isa pa mas maganda ako sa'yo."
"Uhm... Uhmmm...."
Nakakatuwa lang na nakakapag-usap na kami ni Austin. Akala ko eh hindi niya ko matatanggap kapag nakilala niya ko.
Pero mali ako. Mabait siya. Sobra.

BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasíaMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...