Austin
Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito...Nagising ako nang marinig ang napakagandang awitin na 'yun. Pamilyar sa'kin ang boses na 'yun na mas lalo pang gumaganda dahil sa tugtog ng piano.
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sintaIdinilat ko ang mga mata ko. Nilibot ko din ang tingin ko sa paligid. Nakahiga ako sa isang malaki at malambot na kama.
Nasaan ako? Kaninong kwarto 'to?
Ba't di pa patulan
Ang pagsuyong nagkulang
Tayo'y umaasa
Hilaga't kanluran
Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sayoBumangon ako sa higaan at doon ko naramdaman ang pananakit ng katawan ko. Sa mukha, dibdib, tadyang, sikmura, sabay-sabay silang nanakit. Pilit kong inalala kung ano ba ang nangyari...
Music Hall.
Security Guard.
Yung weirdong lalaki...
Saan nga ba patungo,
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig moKahit na masakit ang katawan at ang ulo eh pinili ko pa rin na tumayo sa hinihigaan ko. Napansin ko na iba na pala ang suot kong damit. Masyadong malaki ang T shirt at short na suot ko.
Ba't 'di pa sabihin
Ang hindi mo maamin
Ipa-uubaya na lang ba 'to sa hangin
huwag mong ikatakot
Ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako at nakikinig saýoKung kanino man nanggagaling 'yung magandang boses na 'yun, sigurado ako na masasagot niya ang mga tanong ko. Kailangan kong sundan kung saan 'yun nanggagaling.
Isang hagdan pababa ang nakita ko nang lumabas ako ng kwarto. Doon ako dumaan. Dahan-dahan para hindi masyadong sumakit yung pangangatawan ko. Tuloy lang sa pagtugtog yung piano pati na rin yung magandang boses.
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...
Hooohh... hoooohh...Kasabay ng pagtatapos ng kanta eh ang pagtatapos ng paghahanap ko sa kumakanta nito. Isang lalaki na nakaupo sa harap ng isang puting piano. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa'kin.
Ilang sandali pa eh tumayo siya sa kinauupuan niya. Mabilis kong iniwas ang tingin ko nung humarap siya sa'kin.
Wala kasi siyang pang-itaas na damit eh!
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...