Twenty Five

2.9K 111 25
                                    

Austin

Tiningnan ko ang oras sa suot kong wristwatch. Meron pang 15 minutes bago mag 7PM. Binalik ko naman ang tingin sa building na nasa harap ko pagkatapos.

Gymnasium of Julia.

Ang isa sa mga naglalakihang gym dito sa AAA. Lahat ng gym dito sa academy eh sinunod sa pangalan ng mga pinakamalakas na Earth Elementors.

Gymnasium of Kenji...

Gymnasium of Iris...

At iba pa.

Siguro kung natuloy ang pag-aaral ni kuya Eros dito sa AAA eh magkakaroon din ng gymnasium na isusunod sa kanya.

Kung ang mga gymnasium eh sinusunod sa pangalan ng mga Earth Elementors,  ang mga anyong tubig naman eh sinusunod sa pangalan ng mga pinamalakas na Water Elementors.

Lake of Cray...

Lake of Pauline...

Tapos yung kay kuya Winter naman eh "Waterfalls of Winter."

Kaya idol ko si kuya eh. Gusto kong maging katulad niya. Naging Top 1 siya sa Grand Battle of the Houses 2 years ago. Tapos naging S-Class Mage din siya.

Siya ang inspiration ko.

Kaya nga nandito ako ngayon sa Gymnasium of Julia dahil sabi nga sa'kin ni Yesha eh tutulungan niya akong mag-training. Pareho kaming sasali sa Grand Battle of the Houses ngayong taon.

Pumikit muna ako at huminga ng malalim. Kasabay ng pagbuga ko ay ang pagdilat ng mga mata ko.

Buo na ang desisyon ko. Pagod na akong maging duwag. Gusto ko 'tong gawin para sa pamilya ko.

Hinakbang ko ang paa ko na sinundan pa ng isa pang hakbang. Hanggang sa tuluyan na nga akong nakapasok sa loob.

Ang daming nagt-training dito at mula sila sa iba't-ibang houses. Yung iba eh pinagtinginan pa ako.

Tama naman ang suot ko ah. Plain white shirt at kulay blue na shorts. Naka rubber shoes din ako. May mali ba?

Hindi ko na lang sila pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad para hanapin si Yesha. Sabi niya eh 7PM kami magkikita dito.

Ang sabi pa niya eh may ipapakilala daw siya sa'kin na training buddy niya na katulad namin eh sasali rin sa Grand Battle of the Houses. Sabay-sabay na lang daw kami mag-training.

Nagpatuloy ako hanggang sa nakita ko ang tila pamilyar na babae. Pumunta ako sa kinaroroonan niya at hindi nga ako nagkamali dahil si Yesha na nga 'yun.

Meron siyang kasamang lalaki. Nakasuot ng pang-training si Yesha tapos yung lalaki naman eh walang pang itaas na damit at nakamaikling shorts lang at rubber shoes.

Nasa kalagitnaan sila ng pags-sparring. Hindi ko makita yung mukha nung lalaki kasi nakatalikod siya sa akin.

Siya na siguro yung sinasabi ni Yesha na training buddy  niya. Nakikita ko sa mukha ni Yesha na seryoso siya habang nakikipag-sparring dun sa lalaki.

Ang ganda pa rin niya kahit na pawisan siya.

Mga ilang minuto ko din silang pinagmasdan. Ilang sandali pa eh nakita ako ni Yesha. Huminto siya sa ginagawa niya tapos ngumiti siya sa'kin.

"Austin!" Sigaw niya habang lakad takbong lumalapit sa'kin.

Ngiti lang ang nasagot ko sa pagtawag niya sa'kin.

"Kanina ka pa ba?" Tanong niya nang nakalapit na siya ng tuluyan. Pinunasan niya ang pawis niya sa mukha at leeg gamit ang isang maliit na tuwalya.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon