Kamusta kayo? Eto na nga pala bago kong roaming number. Joke! Haha!
Sorry kung hindi na ko nakakapag-update ng mabilis at sunod-sunod tulad nang dati. Busy lang talaga sa trabaho si otor. Mahirap pong maging artista.
Sa mga walang sawang sumusuporta, maraming maraming salamat sa inyo. Maraming salamat sa pagbabasa, pag-iwan ng comments pati na rin sa pag-vote.
To be honest, gusto kong ilagay sa Hiatus mode ang Austin's Curse dahil nga ang hirap mag-update pero syempre hindi pwede. Reader din naman ako at alam ko ang pakiramdam na makakabasa ka ng story tapos hindi matutuloy. Ang sakit sa puson! Haha!
Kakatapos lang ng unang bahagi ng Phase 2 ng kwentong ito. Katulad nga ng sinabi ko noon, mahahati sa dalawang bahagi ang Phase 2 at magsisimula na ang ikalawang bahagi sa susunod na mga chapters.
Pero bago ko simulan ang mga susunod na chapters, gusto ko lang malaman niyo na lahat ng impormasyon na malalaman niyo eh naipagpaalam ko na kay author neil. Opo. Kailangan ko pong humingi ng permission niya bago ko gawin ang ikalawang bahagi ng phase 2 ng kwento ni Austin.
Kung bakit? Well, sabihin na lang natin na may mga impormasyon sa mga susunod na kabanata na tatalakay (ang lalim ng tatalakay) sa nakaraan ng mga original characters ni author neil na maaaring maka-apekto sa mga akda na gagawin niya sa hinaharap.
Pero sa totoo lang, fan fiction lang naman ang trilogy ko eh. Haha. Sobrang malayo sa original piece. Ayoko lang talaga magkaroon ng confusion yung mga readers niya na naging readers ko na rin. Kung mag-match man o hindi ang mga ideas namin, syempre siya ang susundin niyo dahil siya po ang original author. Haha!
Popoy
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...