Forty

2.7K 139 77
                                    

Es


Nags-shower ako nang bigla kong narinig ang security alarm ng AAA. In-off ko muna yung tubig at kinuha yung twalya na nakasabit sa pader.

Pinunasan ko ang basa kong katawan at nagmadali akong lumabas ng banyo. Kulay puting twalya na nakatapis sa bewang ang tangi kong suot.

Sumilip ako sa bintana ng penthouse ko para makita kung ano ang nangyayari sa labas.

Hindi ko alam kung epekto ba 'to ng hang over o ano pero nagkakagulo sa buong university.

May mga students na nagtatakbuhan at nagsisigawan. Lahat sila eh papunta sa isang direksyon, sa watchtower.

May mga scouts naman na sumasalubong sa kanila. Alerto ang mga ito at dala ang mga sandata nila.

Hindi na ko nagdalawang isip pa. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa hagdan. Kailangan kong lumabas para malaman kung ano talaga ang nangyayari.

Binuksan ko yung main door ng penthouse ko. Nagulat ako kasi may isang di pamilyar na lalaki na nakatayo sa harap ng pintuan ko na para bang hinihintay ang paglabas ko ng bahay.

Matangkad siyang lalaki. May itsura naman siya. Nakakatuwa ang makapal at kulot niyang buhok.

Matagal bago siya nakapagsalita. Nakatingin lang siya sa'kin. Dun ko lang naalala na wala akong ibang suot kungdi ang puting twalya na nakatapis sa bewang ko!

"Sino ka?" Tanong ko nung nakabawi na ko.

"Ako si Chester. Nandito ako para sunduin ka Es."

Ok.

Una ang weird ng ngiti niya.

Pangalawa eh kilala niya ko.

"Anong kailangan mo sa'kin?" Saka ko lang napansin na may mga kasama pala siya.

Mga mandirigma na nakasuot ng kulay itim na baluti. May dala silang scythe o kalawit bilang sandata. Isa pang kapansin-pansin sa kanila eh umuusok sila.

"Hindi ako ang may kailangan sa'yo kungdi ang Boss ko." Malumanay niyang pagkakasabi. Hindi natatanggal sa labi niya yung weird niyang ngiti.

"Sino ang Boss mo?" Hindi sumagot si Chester sa tanong ko na 'yun.

"Makinig ka, hindi ako kaladkarin na sumasama kung kani-kaninong poncho pilato. Kung gusto akong makita ng 'Boss' mo, siya mismo ang sumundo sa'kin." I dunno if it add up but who cares.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Chester. Padabog kong sinara yung pinto. Naglakad ako pabalik sa kwarto ko. Naisip ko na magbihis muna bago lumabas ng AAA.

Pero nasa hagdan pa lang ako eh may napansin na kong kakaiba sa paligid.

Parang lumilindol...

Teka, hindi.

Lumiliit yung buong bahay!

Tumakbo ako pabalik sa main door para lumabas ng bahay. Ang hirap kumilos kasi sumisikip at unti-unting lumiliit ang espasyo sa paligid. Idagdag mo pa na para akong nakapalda sa nakatapis na twalya sa bewang ko.

Tinulak ko yung pinto at nung bumukas ito eh tumalon ako palabas ng bahay. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig eh ang tuluyang pagliit ng penthouse ko.

Naging toy house ito!

Tumayo ako at tumingin sa paligid. Nakita ko na nandito pa rin si Chester kasama yung mga nakaitim na mandirigma.

Posible kaya na siya ang nagpaliit ng penthouse ko?

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon