Winter
"That's it?"
Ayokong tarayan ang bunso kong kapatid sa pagtatanong ko sa kanya pero hindi ko magawa. Nasa sala ako ngayon at nasa harap ko ang bunso kong kapatid at si Es. Naipaliwanag na nila sa'kin kung bakit late na nakauwi si Austin pero sa totoo lang eh hindi ako naniniwala sa kanila.
May mali dito.
At aalamin ko 'yun.
Tiningnan ko ang bunso kong kapatid ng diretso sa mga mata niya. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin at yumuko na parang hindi napapakali. Nilalaro pa niya yung mga daliri niya sa kamay.
Tsk tsk.
Sunod ko namang tiningnan si Es. Hindi siya nagpatalo sa pakikipagtitigan ko sa kanya hanggang sa ako na ang bumitaw. Pinagkrus ko ang mga braso ko sa dibdib ko at tiningnan ulit silang dalawa.
"Tell me the truth..." Sabi ko ng puno ng awtoridad.
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong paligid.
"Sinabi ko na sa'yo kung ano ang nangyari Winter." Simula ni Es.
"Pumunta ako sa university nila para mag-inquire dahil gusto kong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. On my way out nagkita kami ni Austin. Niyaya ko siya para mag meryenda sa mall. Habang nasa mall kami nakita ko na showing na pala 'yung movie na gusto kong panoorin kaya nanood muna kami hanggang sa hindi na namin namalayan ang oras." Mahaba niyang paliwanag.
Tumingin ako kay Austin na hanggang ngayon eh parang tuod sa kinatatayuan niya. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.
"Kasama ba sa ginawa niyo ang mamili ng oversized na damit para kay Austin?" Sarkastiko kong pagtatanong.
Hinintay ko kung sino sa kanila ang sasagot sa tanong ko pero wala.
"Alam niyo naman sigurong dalawa na may kakayahan akong malaman kung nagsasabi ba ng totoo ang isang tao o hindi base sa daloy ng dugo sa katawan niya hindi ba?" Nilagay ko sa magkabila kong bewang ang mga kamay ko at huminga ng malalim.
"Nagsisinungaling kayo..."
"Win-"
"Stop this nonsense! Sabihin niyo sa'kin yung totoo!" Pagputol ko sa sasabihin ni Es. Nag-echo yung sigaw ko sa buong sala. Nakita ko rin yung pagkagulat ni Austin.
Ayoko sanang sumigaw dahil alam kong takot si Austin sa mga pagsigaw lalo na't palagi siyang nasisigawan noon ni mommy.
Ayoko sanang magalit dahil iniisip ko ang mararamdaman niya dahil may pagka-isip bata siya.
Ayoko sanang humantong sa ganito pero kailangan...
"Austin..." Pagtawag ko sa kapatid ko.
Unti-unti niyang inangat ang ulo niya at tiningnan ako. Nangingilid na yung mga luha sa mata niya tapos naka-kagat pa siya sa labi niya. Parang mapuputol na yung mga daliri niya sa kamay sa sobrang paglalaro niya dito.
"Sorry kuya..."
Sa paghingi niya ng tawad eh parang inamin na rin niya ang pagsisinungaling sa'kin.
Pero hindi 'yun ang ikinagulat ko.
Yung paraan kung paano niya sinabi yung mga kataga na 'yun. Napaka natural at walang kautal utal.
Meron talagang hindi tama sa mga nangyayari dito.
"May umatake sa kanya sa school..." Si Es ang nagsalita. Mabilis akong tumingin sa kanya.
"Hindi malinaw sa'kin kung ano talaga ang nangyari. Ang paliwanag niya sa'kin eh nasa music hall siya ng school nila nang bigla na lang siyang sinaktan nung security guard. Sabi pa niya eh may naramdaman siyang kakaibang uri ng kapangyarihan sa paligid nung nangyari 'yun..."
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...