Austin
Nandito ako ngayon bahay namin. Nakatayo ako sa harap ng family wall kung saan naka-display ang mga awards, certificates, medals, at mga pictures namin.
Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng bahay.
Pinadala ko sila Castor at Pollux sa bahay nila kuya Es. Pansamantala muna silang aalagaan ng mga katulong dun habang wala ako, wala kami.
Ngayon na alam ko na ang totoong nangyari sa pamilya ko, nag-decide ang konseho na manatili muna ko sa AAA para sa kaligtasan ko. Nangako sila na gagawin nila ang lahat para ibalik sila sa'kin at umaasa ako dun.
Nakahanda na ang mga gamit na dadalhin ko. Maayos na rin ang kasuotan ko. Hihintayin ko lang si kuya Es na sunduin ako dito tapos pupunta na kami sa AAA.
Pero habang wala pa siya eh gusto ko munang libutin ang bahay namin. Gusto kong balikan yung masasayang sandali na kasama ko sila kuya at ang mga magulang ko.
Una akong pumunta sa living area. Naaalala ko, madalas na nandito sila kuya Summer at kuya Eros.
Nakahiga si kuya Eros sa lap ni kuya Summer habang nanonood sila ng movie. Nagsusubuan pa nga sila ng favorite nilang caramel ice cream na may mga dinurog na sugar cones sa ibabaw.
Ang saya saya nila. Sila talaga yung example ng perfect couple para sa'kin.
Napangiti ako habang inaalala ang mga ito pero nawala din yung ngiti ko habang unti-unting nawawala yung mga imahe nila sa harap ko.
Nasaan na nga kaya sila kuya Summer at kuya Eros...
Sunod naman akong pumunta sa garden area. Dito madalas magkasama sila papa at daddy. Lagi silang tumutugtog ng gitara at nagkakantahan.
"Bunso, tara kanta tayo!" 'Yan ang madalas na sasabihin nila kapag nakikita nila ako na pinapanood ko sila.
Parang may magnet yung mga paa ko na naglalakad papalapit sa lamesa kung saan nandun sila papa at daddy. Pero habang papalapit ako ng papalapit eh nawawala naman yung mga imahe nila.
Nangilid yung mga luha ko sa mata. Pinunasan ko kaagad yung mukha ko tapos kinagat ko na lang ang labi ko para di ako tuluyang maiyak.
Kasi kung nandito sila papa at daddy, hindi nila magugustuhan na makikita akong umiiyak.
Sunod ko namang pinuntahan yung kwarto ni kuya Winter sa itaas. Pagkaakyat ko ng hagdan, nakita ko kaagad yung imahe ni kuya Maru na nakaupo sa may sahig at nakasandal sa pinto sa labas ng kwarto ni kuya Winter.
Dito ko siya nakikita palagi. Nagbabasa siya ng libro habang "binabantayan" si kuya Winter na natutulog naman sa loob ng kwarto.
Ang weird niya pero ang sweet din.
Pag nakita na ako ni kuya Maru eh tatayo na siya. Ngingiti siya sa'kin pero yung matipid na ngiti lang. Tapos bababa na siya ng hagdan at magpapatuloy sa pagbabasa.
Habang bumababa siya eh dun naman nawawala yung imahe niya. Dun ko naalala na ako nga lang pala mag-isa dito sa bahay. Ako na lang ang mag-isa ngayon.
Binuksan ko yung pinto ng kwarto ni kuya Winter. Nakita ko siya na natutulog ng mahimbing sa kama niya. Tapos nakita ko yung imahe ko na tumatakbo papunta sa kanya habang nakasuot ng pantulog.
"G-good morning k-kuya! G-gising na i-ikaw!" Yun kasi ang ginagawa ko kapag ako ang unang nagigising sa aming dalawa. Magtatatalon ako sa kama tapos yuyugyugin ko siya para lang magising siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/115871557-288-k291931.jpg)
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasiMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...