Seventeen

2.9K 138 28
                                    

Khalil

Binasag ng isang malakas na pagkulog ang katahimikan sa paligid. Pero kahit napakalakas ng tunog nito ay hindi pa rin natinag ang tatlong lalaki na nasa harapan ko. Hindi pa rin nila inaalis ang mga  tingin sa isa't isa.

Nandito pa rin kami sa tulay. Sa totoo lang, hindi ko alam kung sapat ba ang lawak ng lugar na kinaroroonan namin para sa labanan na magaganap ilang sandali na lamang.

Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Rigo sa kaliwa kong kamay. Napatingin ako sa kanya.

Binigyan niya ako ng isang makahulugang tingin. Pagkatapos nun ay binalik niya ang tingin sa mga lalaking nasa harapan. Ganun din ang ginawa ko.

Pinagmasdan ko silang tatlo.

Si Luigi.

Siya ang pinakamatalinong tao na nakilala ko. Pambihira din ang taglay niyang lakas. Siya ang kauna-unahang advance mind bender sa mundo ng mahihiwaga.

Nagawa niya ring pamahalaan ang AAA sa murang edad. Ang mga naging karanasan niya sa buhay pati na rin ang gabay nila Tito Julian at Tito Matteo ang humubog sa kanya para maging Headmaster ng AAA.

Si Magnus.

Ang pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo. Kaya niyang kopyahin ang anumang uri ng gift at curse.

Matagal na panahon siyang nawala. Alam ko ang paghihirap ng mga anak niyang si Jasper at Es para lang mahanap siya.

At ngayon na nandito na siya, hindi ko mapigilan na hindi magtaka. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Ano ang dahilan ng pagkawala niya?

Ano ang kahulugan ng propesiya na binanggit niya kay Jasper?

Ano ang relasyon niya kay Jules Matthew?

Ano ang ginagawa niya dito?

Si Jules Matthew.

Hindi ko alam kung sino siya at kung ano ang totoo niyang kakayahan. Pero nararamdaman ko na kailangan ko siyang makilala.

Kailangan kong malaman ang lahat lahat ng tungkol sa kanya.

Isang malakas na kulog ulit ang umalingawngaw sa paligid. Ilang sandali pa ay tiyak na bubuhos na ang ulan.

At tama ako...

Dahil parang slow motion...

Isang patak ng tubig ulan ang bumagsak sa gitna nila Luigi, Magnus at Jules Matthew...

Ngunit bago pa masundan ang patak ng tubig ulan na iyon ay nagsimula na silang umatake sa isa't isa.

Nilahad ni Luigi ang dalawa niyang kamay. Ang kanan ay nakatutok kay Jules Matthew at ang kaliwa naman ay kay Magnus.

Isang malakas na pwersa ang tumulak sa dalawa hanggang sa tumilapon sila sa magkabilang bahagi ng tulay.

Mabilis na nakabawi ng balanse si Jules Matthew. Lumutang siya sa ere at pagkatapos ay bumuo ng isang malaking bola ng kulay itim na apoy sa pagitan ng mga kamay niya.

Mabilis niya itong binato papunta sa direksyon ni Luigi. Hindi naman umalis si Luigi sa kinaroroonan niya.

Sa halip ay hinampas niya yung bolang apoy gamit ang kaliwa niyang kamay. Dahil sa ginawa niya ay kay Magnus naman papunta yung malaking bola ng cosmic fire.

Nung tumingin ako kay Magnus ay nakatalikod siya at kakatayo pa lang niya mula sa atakeng ginawa ni Luigi.

Tatamaan siya ng cosmic fire kung hindi siya iiwas!

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon