Twenty Nine

2.6K 126 39
                                    

Austin

Tumakbo ako ng tumakbo. Nang may nakita akong isang malaking troso na nakaharang sa harapan ko ay nilundag ko ito. Naging maayos naman pagbagsak ko sa sahig.

Pero hindi pa ako nakakatayo ng maayos nang bigla na lang sumabog yung troso na nasa likuran ko. Tumilapon ako. Tiningnan ko yung daan na tinakbuhan ko kanina habang pilit na bumabangon.

Nagkaroon ng makapal na usok sa paligid dahil dun sa pagsabog.

"If you think that you can run away from me, well, think again."

Nahawi yung makapal na usok sa paligid. Dun ko nakita yung babaeng bearer na kanina pa humahabol sa'kin. Nakatayo siya hindi kalayuan sa harap ko.

Kanina nung pumasok ako sa portal ay napunta ako sa ibang bahagi ng Great Forest of Beth. Naglibot kaagad ako para mabilis na makapunta sa sentro kung nasaan ang Great Tree. Habang naglalakad ay may nakasalubong ako na bearer.

At dahil nga sa kailangan niya ang magic feather ko eh inatake niya ako. Pinili ko na tumakas na lang pero hinabol niya ko. Ngayon ay nasa harapan ko na ulit siya.

"Ibigay mo na sa'kin ang magic feather mo. Hindi kita sasaktan."

Nilahad niya yung dalawa niyang kamay. May boltahe ng kuryente na nagsimulang mabuo sa pagitan ng mga ito.

Meron siyang Gift of Electricity.

Aaminin ko na malakas siya. Nahirapan akong iwasan yung mga atake niya kanina kaya puro sugat na ang katawan ko. Pagod na rin ako para tumakbo pa at tumakas sa kanya.

Pero hindi ako susuko na lang ng basta-basta.

Tumayo ako at matapang na humarap sa kanya. Kinuha ko yung promesa na nasa leeg ko. Nilahad ko yun para lumabas ang tunay nitong anyo.

Humanda ako sa pakikipaglaban. Tama. Lalaban ako.

"You'll rather fight me? Ang ambisyoso mo masyado." Pagmamayabang niya. Mas lalong lumakas yung boltahe ng kuryente na naglalaro sa mga kamay niya.

Oo. Lalaban ako.

Gagamitin ko ang natitira kong lakas para lumaban.

"Yung laban na gusto mo... Kayang kaya kong ibigay sa'yo." Tugon ko sa kanya.

Nilagay ko sa harap ko yung Promesa. Hinatak ko yung pisi nito hanggang sa may mabuo na kulay rosas na palaso dito na mula sa kapangyarihan ko.

Itinutok ko sa babaeng bearer yung Promesa, tanda na handa akong lumaban.

"Bring it on!" Inatake niya ako ng kuryente niya.

Umiwas ako at gumulong papunta sa kanan ko. Tumama yung kuryente niya sa kinaroroonan ko kanina.

Kinuha ko yung pagkakataon para umatake. Itinutok ko sa kanya yung Promesa at pinakawalan yung palaso nito.

Bago pa man siya matamaan nung palaso eh inatake niya kaagad ito ng kuryente niya. Nagkaroon ulit ng makapal na usok dahil sa pagtama ng mga atake namin.

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Pumasok ako sa makapal na usok para gumawa ulit ng atake.

Magaling siya sa long ranged attacks. Kailangan ko din malaman kung magaling din siya sa short ranged attacks o sa malapitang pakikipaglaban tulad ng hand to hand combats.

Nung nahanap ko siya eh inatake ko kaagad siya gamit ang magkabilang dulo ng Promesa ko. Matalas kasi ang mga ito at pwedeng magsilbing espada.

Hindi siya nakaiwas. Tumama yung talim ng Promesa ko sa mga kamay niya.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon