Nineteen

2.4K 132 6
                                    

Austin

Naglalakad kami ngayon ni kuya Es papasok sa loob ng kagubatan ng Adelan. Isang malaking kagubatan na kilala sa pagkakaroon ng mga nakatagong kayamanan na binabantayan ng mga nakakatakot na halimaw.

Inaamin ko na natatakot ako kasi gabi na at madilim pero hindi ako pwedeng magpatalo sa takot.

Dahil dito namin makikita ang nag-iisang tao na makakatulong sa'min para malaman kung ano ang nangyari sa mga kuya ko at sa mga magulang ko. Siya din ang makakapagsabi kung ano ang totoong nangyari kay Tito Luigi.

Si Cassandra.

Pamilyar siya sa'kin dahil sikat siya sa AAA dati pero di ko siya kilala ng lubos. Hindi din malinaw sa'kin kung bakit niya kailangan umalis sa AAA.

Tumingin ako kay kuya Es para magtanong pero hindi ko pa naibubuka ang bibig ko eh nagsimula na siya magsalita.

"Magkakaibigan kami noon. Ako, si kuya Jasper, si Maru, at si Cassandra." Sabi niya na para bang nababasa niya ang isip ko.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Ilang matatangkad na puno na ang nalagpasan namin.

"Ang totoo niyan, kilala kami bilang 'Team Competitive'. Nangunguna kasi kami sa klase at sa training. Wala ding nakakatalo sa'min kapag may mga house battle." Dagdag pa ni kuya Es. Napangiti siya ng kaunti habang binabalikan ang mga ala-ala.

"Dahil may gift of strategy, si Cass ang bumubuo ng mga plano namin sa pakikipaglaban. Si kuya Jasper at Maru naman ang offense at ako naman ang defense. Almost perfect team na kami... Almost..." Huminga muna siya ng malalim bago nagpatuloy sa pagk-kwento.

"Hanggang sa isang araw, umalis na lang si kuya Jasper sa AAA nang hindi man lang nagpapaalam. Sobrang nasaktan si Cassandra dahil dun. Saka ko lang nalaman na may gusto pala siya kay kuya."

Nagulat ako sa sinabi ni kuya Es. May gusto si Cassandra kay kuya Jasper. Hindi ko alam kung ano yung kakaibang bagay na nararamdaman ko.

"Tapos naging kami ni Maru. Hindi ko na napansin si Cass kasi naging abala na ko kay Maru eh. Nakalimutan ko na na may kaibigan pala ako na kailangan ako."

"Umiwas siya sa'min. Naging mapag-isa siya. Sa pag-aaral, sa pagt-training, sa lahat ng bagay, naging mapag-isa siya."

"Nakipag-usap siya kay Maru. Yun ang araw na sinabi niya kay Maru na hindi kami ang nakatakda para sa isa't isa. Sabi ni Cass, isang water bearer daw ang makakatuluyan ni Maru at tama naman siya dahil dumating nga si kuya Winter mo."

"Hindi naman pwede na hindi kami maniwala sa kanya kasi nakikita niya ang nakaraan at ang hinaharap. Kaya ayun nakipaghiwalay sa'kin si Maru."

Ayun pala ang dahilan kung bakit naging magka-away sila kuya Maru at kuya Es dati.

"Nagalit ako kay Maru. Nagalit ako kay Cass. Nagalit ako kay kuya Jasper. Sa lahat." Huminto sa paglalakad si kuya Es kaya huminto din ako.

Huminga siya ng malalim tapos tumingin sa langit. Tumingin ako sa tinitingnan niya at nakita ko ang napakaraming bituin sa kalangitan. Napakaganda.

"Hanggang sa nagkaroon ng house battle at kami ni Cassandra ang magkalaban." Binalik ko ang tingin ko kay kuya Es. Nakatingin pa rin siya sa langit.

"Bago nagsimula yung laban, nagkaroon kaming dalawa ng kasunduan. Kapag nanalo siya, sasabihin niya sa'kin ang hinaharap ko katulad ng ginawa niya kay Maru. Isang bagay na hindi ako interasadong malaman kahit kailan."

"Ano naman po ang sinabi niyo?" Tanong ko.

"Sabi ko, kapag nanalo ako, kailangan niyang umalis sa AAA at hindi na bumalik kahit kailan."

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon