Austin
Tiningnan ko yung wall clock namin dito sa sala. Alas Otso na ng umaga pero hindi pa rin umuuwi si kuya Winter simula nung umalis siya kagabi. Masama talaga ang loob niya sa'kin.
Kasalanan ko naman talaga. Hindi tama na nagsinungaling ako.
Bakit ba kasi ako lapitin ng gulo. Ang malas malas ko.
Hays.
Hays ulit.
Hindi muna ko pumasok sa school. Sabi kasi ni kuya Es aalamin niya muna kung ano ang nangyari, kung bakit ako inatake nung school guard. Isa pa eh kailangan ko din iwasan muna si Cielo. Magtataka yun kung paano gumaling kaagad yung mga sugat ko at kung paano ako nakakapagsalita ng maayos.
Tumayo ako sa harap ng Family Wall namin. Pinagmasdan ko yung mga pictures namin na naka display dito. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ko habang nasa ganung sitwasyon.
Ang akala ko noon hindi madidisplay ang pictures ko dito. Akala ko noon hindi ako matatanggap nila papa at daddy. Akala ko noon hindi ako magiging parte ng pamilyang 'to.
Pero nagkamali ako.
Tinanggap nila ako ng buong buo. Hindi ko inakala na magiging masaya ako sa kabila ng lahat ng nangyari noon.
Pero ano 'tong nagawa ko?
Nadissapoint ko si Kuya Winter. Kapag nalaman nila papa, daddy at Kuya Sumsum ang ginawa ko sigurado na ganun din mararamdaman nila.
Gagawin ko lahat mapatawad lang ako ni Kuya Winwin. Kung kailangan ko siyang bigyan ng ultimate super duper tarsier hug gagawin ko.
"Kuya Winter umuwi ka na please..." Bulong ko sa hangin.
Nagpatuloy ako sa pagtingin sa mga pictures namin dito sa Family Wall. Ilang sandali pa narinig ko ang pagtahol ng mga alaga naming aso. Paglingon ko eh nasa binti ko na silang dalawa at kinukulit ako.
Sila Castor at Pollux!
Tumunghod ako at hinimas-himas silang dalawa. May mga pagkakataon na dinidilaan nila ang kamay ko habang wini-wiggle yung mga buntot nila. Ang ligalig nila sobra.
"Tingin niyo ba magbabati pa kami ni kuya Winter?" Tanong ko sa mga inosenteng aso.
"Arf!"
"Arf Arf!"
Sana naiintindihan ko ang mga tahol nila. Pero kahit na hindi, alam ko na gusto din nila na magkaayos na kami ni kuya Winter.
Nagpatuloy lang ako sa pakikipaglaro kanila Castor at Pollux nang biglang bumukas yung pinto. Parang tatalon yung puso ko nung nakita ko kung sino ito.
Si Kuya Winter!
"Kuya!" Hindi na ako nagdalawang isip pa. Patakbo akong lumapit sa kanya para yakapin siya ng mahigpit.
"Kuya buti umuwi ka na. Sorry po talaga. Sorry." Paulit ulit kong paghingi ng tawad habang yakap yakap si kuya.
Pero wala siyang anumang sinabi. Hindi niya ako niyakap pabalik. Nakatayo lang siya na parang estatwa.
Tapos ang lamig pa ng katawan niya.
Tiningnan ko si kuya ng hindi inaalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Kakaiba ang binabatong tingin sa'kin ni kuya. Hindi ko mapaliwanag kung ano 'yun pero may kakaiba dito.
"Kuya?"
"Bitawan mo ko Austin. Hindi ako makahinga." Walang buhay niyang pagkakasabi.
Nagulat ako pero mabilis din akong bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya. Nahihiya ko din pinagpag ang mga kamay ko sa hita ko. Hindi din ako makatingin ng maayos kay kuya.
BINABASA MO ANG
Austin's Curse
FantasyMatapos makipaglaban sa tadhana at magapi si Ignis, ang bathala ng mga isinumpa, ay pinili ng pamilya Aragoncillo ang magkaroon ng payapa at simpleng pamumuhay. Kasama na rito ang pagpasok ni Austin sa dating paaralan ng kanyang kambal na mga kapati...