Eight

3K 151 18
                                    

Austin

"D-dito na lang."

Hininto ni Cielo ang pagmamaneho ng motorsiklo niya. Agad akong bumaba dito at pagkatapos eh hinubad ko ang suot kong helmet. Hinubad din ni Cielo ang helmet niya.

"Dito ka nakatira?"

Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong niya. Ang weird kasi nung tinanggal niya yung helmet niya eh. Parang slow motion tapos parang nagg-glow pa siya.

Imagination ko lang siguro.

"Huy! Dito ka nakatira?" Tanong ulit ni Cielo na nakapagpabalik sa'kin sa reality.

Tumingin ako sa harap ng malaking mansyon na hinintuan namin. Pamilyar ang mansyon na 'to pero hindi ako dito nakatira. Dito ako nagpahatid dahil ito ang 'kailangan'.

Lumingon ulit ako kay Cielo. Tulad ko eh nakatingin din siya sa mansyon na hinintuan namin. Ilang sandali pa eh tumingin ulit siya sa'kin na may pagtataka sa mukha.

Hinihintay niya ang sagot ko sa tanong niya.

"O-oo..." Kinagat ko ang labi ko dahil sa pagsisinungaling. Iniwas ko din ang tingin ko sa kanya. Sana hindi siya makahalata.

"Ok." Walang buhay niyang tugon.

May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya. Maya-maya eh inabot niya ito sa'kin.

Cellphone.

Tumingin ako dito. Tapos kay Cielo. Tapos sa cellphone ulit.

"A-ano g-gagawin ko sa c-cellphone mo?"

"Yung uniform mo pina-laundry ko. Nagtaka pa nga yung staff kasi puro mantsa ng dugo eh. Ikaw na lang ang kumuha nun bukas."

...

..

..

..

..

...

..

..

..

..

Tumango tango na lang ako kahit hindi ko masyado maintindihan kung ano ang gusto niyang sabihin.

Bumuga ng malalim na hininga si Cielo.

"Nako naman oh." Sabi pa nito.

"Lagay mo dyan yung pangalan at number mo para masabi ko dun sa laundry shop na ikaw na yung kukuha nung pina-laundry ko. Tsk tsk."

"W-wala akong p-phone." Simple kong sagot.

"Ha?" Nakakatawa yung reaction niya. Hihi.

"W-wala a-akong phone." Sabi ko ulit.

"Saang mundo ka ba nanggaling at wala kang phone?"

"Uhm. S-sa m-mahiwagang mundo." Sabi ko sa mahinang boses.

"Ha?" Buti na lang hindi niya ko narinig. Hihi.

"Nako naman oh. Sabihin mo na lang sa'kin pangalan mo." Medyo iritable niyang pagkakasabi.

Sasabihin ko na sana ang pangalan ko nang biglang may nagsalita.

"Austin?"

Sabay kaming napalingon ni Cielo sa pinanggalingan ng boses na 'yun.

"Anong ginagawa mo dito Austin? Alam mo ba na kanina ka pa hinahanap ng kuya Winter mo? Saka anong nangyari dyan sa mukha mo? Bakit puro sugat?"

Sunod-sunod na tanong ni kuya Es habang lumalapit sa'min.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon