Thirty Seven

2.6K 125 48
                                    

Austin


Nagulat ako sa mga narinig ko sa pag-uusap nila kuya Es at kuya Jasper. Mabilis akong umalis sa kinaroroonan ko. Wala ako sa sarili na naglakad ng diretso sa pasilyo ng university clinic.

Gusto ako ni kuya Jasper. Masaya ako na malaman na pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa pero...

Dahil sa Ultimatum niya, hindi kami pwede.

Pwede kaming mamatay kung magmamahalan kami.

Bumibigat yung mga mata ko. Hindi na rin malinaw yung nilalakaran ko dahil sa luha na nangingilid sa mga ito.

Huminto muna ko para punasan yung mga mata ko. Hinga lang Austin. Hinga lang.

Hindi kalayuan sa kinatatayuan ko eh nakita ko si Yesha. Bale may kasama siyang matandang lalaki. Siguro yun yung Daddy niya.

May kasama din silang isang matangkad na babae. Posible na siya ang Mommy ni Yesha. Meron din isang lalaki na sa tingin ko naman eh kuya ni Yesha dahil medyo may pagkakahawig sila.

Nag-uusap sila nung umpisa pero bigla na lang sinampal si Yesha ng daddy niya. Nagulat yung mommy at kuya niya dahil dun. Inalo si Yesha ng kuya niya tapos yung mommy naman niya pinigilan yung daddy niya.

Lalapit sana ako pero may kamay na humawak sa balikat ko para pigilan ako. Lumingon ako para tingnan kung sino yun.

Si Jethro.

"Kung ako sa'yo, hindi na lang ako makiki-alam sa kanila." Sabi niya habang nakatingin sa pamilya ni Yesha.

"'Yan si Tito Zachary, ang daddy ni Yesha. Manipulative na ama." Simula niya.

"Mommy naman niya si Tita Mellisa, bale sa kanya nakuha ni Yesha yung Gift of Sonic Scream niya."

"Bakit niya sinaktan si Yesha?" Tanong ko sa kanya.

"Nagalit siya kasi napostpone yung Grand Battle."

"Huh? Eh wala naman kasalanan si Yesha kung napostpone ang event." Medyo iritable kong tugon.

"Ibig sabihin lang kasi nun eh hindi tuloy ang kasal namin ni Yesha. Hindi din matutuloy ang pag memerge ng mga kompanya ng mga pamilya namin." Tumingin sa'kin si Jethro.

"Ang pamilya Avila ang isa sa pinakamayamang pamilya sa mortal at magic realm. Kaso, nabankrupt ang kompanya nila 5 years ago."

"Bakit?"

"Hindi din ako sure pero ang sabi nila, illegal daw kasi ang business ni Tito Zachary." Nagulat naman ako dun.

"Para masalba yung pamilya nila eh napilitan si kuya Yael, yung kuya ni Yesha, na magpakasal sa isang babae na hindi niya mahal. Kaso hindi din yun sapat kaya pinipilit nila si Yesha na magpakasal sa'kin. Alam mo na, fix marriage para sa partnership ng mga kompanya."

Nilagay ni Jethro yung mga kamay niya sa bulsa ng pants niya tulad ng palagi niyang ginagawa.

Bigla naman akong naawa kay Yesha. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sobrang eager talaga niya manalo sa grand battle.

Dahil kapag nanalo siya, magiging malaya na siya.

"Teka, ang sabi mo, nakuha ni Yesha ang Gift niya sa mommy niya. Pero ano bang gift ng daddy niya, ni Tito Zachary?"

"Si Tito Zach, uhm, meron siyang Gift of Cyberkinesis. Kaya niyang gumawa ng iba't ibang uri ng machines at devices. Kaya niya rin controlin ang kahit anong uri ng technology. Si kuya Yael yung nakamana sa gift niya."

Wow.

May ganun palang uri ng Gift. Parang Super Genius ganun.

"Kay Yesha ba 'yan?" Tanong ni Jethro. Tinuturo niya yung pouch na hawak ko.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon