Twenty Four

2.5K 131 42
                                        

Austin

Pagkatapos ng klase ko eh pumunta kaagad ako sa House of Emerald Bearers para hanapin si Yesha. Kaninang umaga nalaman ko na isa pala siyang bearer at gusto ko siyang makausap.

Pagkapasok ko sa House of Emerald Bearers eh inulan kaagad ako ng mga tingin ng mga estudyante dito.

May mga mata na nagtataka, nagtatanong kung ano ang ginagawa ng isang cursed sa teritoryo ng mga bearers.

May mga mata na natatakot. Siguro yung ilan sa kanila eh kilala na kung sino ako.

May mga mata na matatalim at puno ng galit. Parang gusto nilang sabihin sa'kin na hindi ako nararapat dito.

May mga mata na mapangliit, mapambuska,  dagdagan pa ng pilyong ngiti sa mga labi, siguradong hindi mo gugustuhin kung ano man ang tumatakbo sa mga isip nila.

"Look what we have here!" Isang grupo ng limang kalalakihan ang pumunta sa kinaroroonan ko. Base sa kasuotan nila eh beraers silang lahat.

Malamang Austin, nasa House of Emerald Bearers ka nga di'ba? Sinampal ko na lang ang sarili ko sa isip ko.

"Ano naman kaya ang ginagawa ng isang curse sa tahanan ng mga berears?" Sabi nung lalaki na nasa gitna. Mukhang siya yung leader nila.

"May hinahanap lang ako na kaibigan." Sabi ko.

Akmang aalis na ako nang bigla akong hinarang nung leader nila. Maya maya pa eh pumalibot na silang lima sa'kin. Napatingala na lang ako sa kanilang lahat dahil ang tatangkad nila.

"Kaibigan? Sino?" Tanong nung leader.

"Yesha ang pangalan niya." Simple kong sagot.

Nung una eh natahimik sila. Tapos bigla silang tumawa ng napakalakas. Napapahawak pa nga sa tiyan yung leader eh.

Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?

"Si Yesha? You mean si Yesha Claire Avila?" Tanong nung leader nung nakabawi na siya sa pagtawa.

Tumango tango na lang ako bilang sagot. Sinubukan kong tumingin sa paligid at nakita ko na pinagtitinginan na kami ng lahat ng nasa kinaroroonan namin.

Muli silang tumawa ng malakas. Sa pagkakataong ito eh mas malakas ang tawa nila. Hindi naman ako nagbibiro ah.

"Nakakatawa pala ang mga cursed no? Hahaha!" Sabi nung leader.

"Sinasabi mo na 'kaibigan' mo si Yesha? Eh alam mo ba na walang kaibigan yun dito?"

"Alien yun eh. Pa-cool. Weirdo."

"Sobrang tahimik pa. Kabaligtaran ng gift niya. Haha!"

"Palaging nagsosolo. Maganda sana kaso emo."

Madami pa silang sinabi laban kay Yesha. Parang gusto nilang sabihin na imposible na magkaroon siya ng kaibigan.

Ibang-iba yung pagkakakilala ko kay Yesha sa mga sinasabi nila ngayon tungkol sa kanya.

"Kaibigan ko si Yesha at hinahanap ko siya." Tanging nasabi ko.

"Eh paano kung ayaw namin na hanapin mo siya?" Lumapit sa'kin yung leader tapos kinuwelyuhan niya ko. Napatingkayad ako dahil sa ginawa niya.

"Alam mo ba na masama ang pumunta sa House ng iba lalo na't malapit na ang Grand Battle of the Houses? Kayang kaya kitang sipain palabas dito ngayon curse." Pagbabanta nung leader sa'kin.

Nagsimulang magpalit yung kulay ng mga mata nya. Naging kulay pula ito.

Tapos yung mga kamay niya eh parang umiinit. Hanggang sa nagliyab ito. Nasusunog yung kwelyo ng suot kong uniform.

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon