Thirty Two

2.3K 109 31
                                    

Rigo

Nandito ako ngayon sa isang mall. Pinapanood ko ang pagmamadali ni Luigi. Lakad takbo siya habang paulit-ulit na tinitingnan ang suot niyang wristwatch.

Hindi ko alam kung saan siya papunta. Pero sigurado ako na mahalaga ito.

Gusot gusot at basa na ng pawis ang suot niyang damit. Napakadugyot. Haha.

Umakyat siya ng escalator pero hindi na niya hinintay pa ang pag-andar nito at ginawa niya 'tong hagdan sa sobrang pagmamadali. Nang makarating siya sa susunod na palapag eh nahulog niya yung mga libro at papeles na dala-dala niya.

Habang pinupulot niya yung mga nalaglag niyang gamit eh tiningnan ko ang mga ito. Mga libro ng engineering, mga blueprint, mga notes at kung ano ano pa.

Ang huli niyang pinulot eh isang itim na envelope. Natulala pa nga siya nung nakita niya yun eh.

Tumayo siya tapos tiningnan kung ano yung nasa loob. Isang invitation.

Luigi Valdez Acosta,

It is with great pleasure we invite you to the Battle of the Gifted...

Invitation para sa Battle of the Gifted.

Kung ganun, ito yung panahon na sasali pa lang si Luigi sa grand event. Ito ay apat na taon pagkatapos ng digmaan sa pagitan ng mga gifted at cursed.

Nilagay ni Luigi yung itim na envelope sa loob ng backpack niya at nagpatuloy sa pagtakbo.

Ilang sandali pa eh pumasok siya sa isang coffee shop. Nilibot niya yung tingin niya tapos eh napangiti ng malaki nung nakita na ang hinahanap niya.

Tumingin ako at nakita na si Moira pala yung pinuntahan niya dito. Nakaupo si Moira malapit sa bintana habang nagbabasa ng libro. Suot pa rin niya yung puti niyang scarf sa leeg.

"Sorry loves. Late ako." Hinalikan ni Luigi sa pisngi si Moira bago umupo sa available na upuan paharap dito.

"Correction, 'Late na naman ako.' Yan dapat ang sinabi mo." Medyo masungit na sabi ni Moira. Isinara niya yung libro tapos pinasok niya ito sa bag niya.

Awkward na ngiti lang ang binigay ni Luigi. Inayos niya muna ang mga gamit niya bago niya inayos ang sarili niya. Tapos eh nakangiti siyang humarap ulit kay Moira.

"Pasensya na loves. Kailangan ko pa kasi ihatid si Khalil sa airport kanina. Di'ba nga ngayon yung flight niya papuntang America." Paliwanag ni Luigi.

Ito pala yung panahon na pumunta si Khalil sa America para samahan si Iris doon. Nagkaroon siya ng Amnesia at nawalan din ng gift pagkatapos humarap kay Magnus.

Doon din kami ulit nagkita.

"Sana hindi ka na lang nagyaya ng date kung may iba ka naman palang lakad ngayong araw." Sabi ni Moira.

"Loves, alam mo naman na miss na miss na kita kaya kita niyayang mag-date. Ilang buwan na rin tayong hindi nagkikita-"

"Exactly." Pagputol ni Moira sa sasabihin ni Luigi.

"Ilang buwan na rin tayong hindi maayos na nagkikita. Kung hindi ka busy sa trabaho, busy ka sa ibang bagay, busy ka kay Khalil." Simula ni Moira.

"Ever since na maaksidente si Khalil at nagka amnesia, you looked after him na parang siya ang girlfriend mo." Dagdag pa niya.

Buti na lang walang masyadong tao sa coffee shop kaya walang tumitingin sa pinagtatalunan nila kungdi ako lang.

"Moi, parang kapatid na yung trato ko kay Khalil. Siya yung baby brother na hindi ako magkakaroon kahit kailan. Intindihin mo naman yung sitwasyon."

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon