Sixteen

2.9K 122 13
                                    

Khalil

Pagkatapos kong makipag-usap kay Jasper eh pumunta ako sa silid kung nasaan sila Rigo at Luigi. Hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nalaman ko ngayong araw.

Ang propesiya tungkol sa isang malawakang digmaan...

Ang pangunguna ng anak kong si Austin sa digmaan na iyon...

Ang pagkakaugnay ni Luigi dito...

Gusto kong makuha ang katotohanan tungkol sa propesiya na binanggit ni Jasper pero tulad ng sabi niya, ang ama niya na si Magnus lang ang tanging nakakaalam ng lahat at makakasagot sa mga tanong ko.

Kailangan ko siyang mahanap. Kailangan ko siyang makita. Pero saan ako magsisimula?

"Khalil..."

Bumalik ako sa mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang matamis na tinig ng asawa ko. Hindi ko na namalayan na nasa silid na pala ako ng mga bisita.

"Kamusta? Anong nangyari?" Mga tanong ni Rigo na hindi ko masyadong inintindi dahil para akong nahihipnotismo sa mga mata niya.

"Hey, angel..." Pagtawag niya ulit sa'kin nang wala siyang nakuhang anumang sagot sa mga tanong niya.

"Uhm..." Tanging nasabi ko.

Tumingin ako sa paligid. Bukod sa'min ni Rigo ay may iba pang mahihiwagang nilalang na tahimik na naghihintay sa silid. Tulad namin eh may mga mahal sila sa buhay na dadalawin dito sa Hades.

Hinanap ko kung nasaan si Luigi pero di ko siya mahagilap. Tumingin ako kay Rigo.

"Nasaan si Luigi?"

"Magkasama sila ni Aquila. Meron silang seryosong bagay na pag-uusapan kaya pinili ko na lang na mag-stay dito para hintayin ka." Hinawakan ni Rigo ang magkabila kong balikat pagkatapos magsalita.

Wala dito si Luigi.

Magandang pagkakataon para ipaliwanag kay Rigo ang lahat-lahat ng nalalaman ko.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Rigo. Hinawakan ko ang mga pisngi niya at unti-unting nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

Isang matamis na halik sa labi ang binigay ko sa asawa ko. Nagulat man eh napapikit din siya at ganun din ako.

Sa ganitong paraan ko ipapaalam kay Rigo ang mga natuklasan ko. Habang magkadikit ang mga labi namin ay ginamit ko ang isa sa mga attributions ko sa kanya.

Ang Thought Casting...

Ang kakayahan na ipakita sa iba ang mga nakalipas na nangyari gamit ang isip. Ito ang pinakamabilis na paraan para malaman ni Rigo ang lahat.

Ilang sandali pa eh bumitaw na kami ni Rigo sa paghahalikan. Tumingin muna ako sa paligid at maluwag na nakahinga na wala namang nakakita sa ginawa namin.

Tumingin ako ulit kay Rigo. Nakita ko ang pangamba sa mga mata niya.

"Ano ang gagawin natin?" Tanong ko.

Hinawakan ni Rigo ang mga kamay ko. Parang nangungusap ang mga mata niya habang nakatingin siya sa'kin.

"We will solve this as a Family. Umuwi na tayo. Pauwiin din muna natin ang kambal at pagkatapos, kakausapin natin si Austin." Puno ng authority ang boses ni Rigo.

Tumango tango ako sa kanya bilang sagot.

Mabilis kaming kumilos. Nang binuksan namin ang pinto para lumabas ng silid eh nakita namin si Luigi sa mismong harap namin.

Hindi ko maintindihan kung ano yung reaksyon ni Luigi. Poker face lang siya.

Alam na kaya niya ang tungkol sa propesiya?

Austin's CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon