-Sa pagbabalik ni Kim ay kasabay nu'n ang muling pagbalik niya sa mga ala-ala ng nakaraan.-
*flashback 2012*
-Kim-
Nakahiga lang ako ngayon sa kama at pafacebook-facebook with matching gulong dito gulong there habang inaantay mag-load ang napaka-bagal na free deytang ito. Kainis naman kasi ehh, hindi ko alam kung ano ba sa kanila ang may sira;'yung sim kaya o cellphone mismo? O baka ako? May sira sa utak gano'n?
Days now seems to be boring, 'wag na kayong mag taka kung bakit pa-english-english ang batang 'to. Helleerr, I'm genius, but, slight jejemon at may pagkasintu-sintu din ang utak.
Kakatapos ko lang maligo 'saka lang ako nag sando at maliit na shorts ta's nag kulong dito sa loob ng ref-este-kwarto nila Nicole na lakas maka-ibang bansa feels, siguro lakas din maka-ubos ng pera 'to, lakas maka-bugha ng aircon eh.
Naiwan lang ako dito, mag isa sa bahay nila Nicole at dahil feeling may ari ako ng bahay, talagang fineel ko na total ma-feeling naman ako. Wala namang ibang tao dito maliban kay Nicole at sa Daddy niya. Ewan ko ba du'n sa babaitang 'yon, sukat iniwan-iwan niya kong mag isa habang natutulog ako. Kainis!
Si Nicole ang dakilang pinsan slash tropa-pips slash kajejembayan slash kapatid ko na rin, dahil simula nu'ng bata pa lang kami, lagi ako dito sa kanila kase ang papa niya ay laging nasa trabaho at ang mama niya, ayun, nasa japan para sa trabaho den.
Pero ngayon, 'di ako makapaniwalang iniwanan niya lang akong mag isa dito na walang makain at walang pera pambili ng makakain.
Pagkain lang naman ang kailangan ko, mahirap ba 'yon? Baka mamaya datnan ako ng gutom dito ta's na lock ako sa loob ng kwarto at maisipan ko na lang lamunin ang sarili kong laman. Sarap nu'n 'di ba?
Pero dahil 'di pa gano'n kalala ang pagkakaluwag ng turnilyo ko sa utak, tanging mga malalaswang pag iisip pa lang ang epekto ng gutom sa akin.
Habang tutok akong nakaharap sa screen ng cellphone ko, pansin ko mula sa reflection ang unti-unting pag galaw ng door knob ng kwarto. Nang marinig kong pumihit ito, napalingon na lang ako at dahan-dahang tinutukan ang pinto gamit ang kabuuan ng mukha ko na may mag kasalubong na kilay. Akala ko si Nicole 'yun at balak ko pa naman siyang gulatin sa sama ng tingin pero iba ang iniluwal ng pinto sa inaasahan ko.
Bumukas ito at 'saka pumasok ang isang maputing bata na medyo may pagka-singkit at nakasalamin na naka-green pang jacket at hindi gaanong katangkaran kaya saktong humarap siya ay sinalubong ng aking mukha ang mga mata niya. Hindi ko alam kung ano pero bigla na lang din akong inutusan ng utak ko na tumitig din sa mga mapupungay at malalamig niyang mga mata. Ang ganda no'ng mga pares na 'yon, o baka pangit lang 'yung akin kaya napuri ko ang sa kaniya?
"AAAAAAAAHHHHHHH!!!!" naisigaw ko ng bumalik na ang ulirat ko at maisipang bumitaw sa malanjoot na titigang 'yon, kasabay no'n, nag sink in sa akin na naka-shorts nga lang pala ako't sando, ang pangit kong tignan, mukhang bayarang panget na 50 years na sa prostitute.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...