-Kim-
Hi guys, so nandito ulit ako sa bahay nila Nicole at talaga nga namang mas makapal pa sa eyebags ko ang mukha ko noh? Mas malakas pa sa kalabaw ang loob ko kaya nga ang tapang-tapang kong umapak dito sa lungga ni haponess ehh, well, nandito lang naman ako para kunin na 'yung mga gamit ko as instructed na rin by Arloloness, tiyaka may secret na nandoon ehh, at paniguradong nakakahiya kung madiskubre man.
Antagal-tagal naman kasing lumabas ng kuwarto nu'ng haponessong 'yon, halos ilang oras nang hinahalikan ng pwet ko ang sahig dito sa balkonahe sa second floor at talaga namang ngawit na ngawit at flat na flat na siya. Wala akong choice kasi naman 'yung kumang na 'yon, bakit 'di na lang kumuha ng apartment total mukha namang mayaman ang ajujut, o 'di kaya, nag sahig na lang sana total, magkasing-gaspang sila ng semento at ang pag uugali niya, for surely, magkakasundo agad ang dalawa. Kasing inangkin pa ang lugar ko ang dami namang ibang choices.
Kaka-kausap ko tuloy ngayon sa sarili ko, may pumasok na namang kalokohan sa loob ng kokote ko na dala ng ihip ng hangin. Stalk ko kay si Japon? I mean, bisitahin, tignan, SILIPIN LANG NG SLIGHT ang facebook account niya. Baka lang kasi may mapulot akong something interesting o pwedeng i-pang blackmail na siguradong mapapabalik siya ng Japan.
Pero I assume na agad, wala akong mapupulot na kapaki-pakinabang dito, bakit? Mana sa kaniya ehh. Walang kuwenta.
So ayon, tumingin-tingin muna ako sa likod ko at baka may tao pero wala naman kaya safe at agad type ng pangalan ni japan-japan "Akihiro Arlo Sun" o 'diba, sabi ko sa'nyo 'di ako stalker eh, basta alam ko lang agad ang full name niya. Nasa script ehh.
After ten minutes, ayun sa wakas, thank you manong free deyta at nag-load ka den. Pag katapos nu'n lumitaw agad ang dalawang profiles na parehong anime character and display picture at parehong Akihiro Arlo Sun din ang pangalan. Grabe sinong anime character na kasi 'to? Favorite ko 'to ehh? Nakalimutan ko lang. Hehehehe. Pero favorite ko talaga 'to.
Clinick ko 'yung nauuna sa dalawa at as I assumed, wala akong napala dahil mukhang abandunado na ang account na 'yun at iba't-ibang mga anime character lang naman ang nakikita ko kaya nag proceed na ako du'n sa pangalawa.
Isang picture agad ang bumungad pagka-open na pagka-open ng account timeline niya, -siya, si mama niya? ata? at ang papa niya? ata den? Mukhang ke'lan lang na post ang picture, siguro no'ng mga nakaraang taon lang. Astig noh? At mukha namang happy family sila, ibang-iba sa narinig at pagkakaintindi ko last time.
"Ang ganda-ganda talaga sa Japan." sambit na lang ng mga labi ko at napangiti dahil sa nakikita, "Ano kayang feeling kung kami din nila Papa, Mama at Kuya ang nandiya'n? Grabe ang ganda talaga ng lugar, dreamplace ko ito ehh, at gustong-gusto ko talagang tumira dito." humagikgik na naman ako dala ng tuwa at kasiyahan.
"Talaga? Gusto mong tumira diya'n?" pagtatanong ng kung sinong extra o epal.
"Oo naman. Pangarap ko kayang-" napahinto kong pagsasalita ng 'saka ko lang ma-realize na si Arlo pala ang asungot na nagsasalita. Kaya pala biglang nag init ang paligid.
Dahil sa gulat na dala no'ng boses niya, agad akong napalingon at saktong-sakto sa gitna nang ere ay nagkatapat ang mga mukha't tingin namin. Parang 'yun sa mga drama o pelikula? Kaso 'di naman nakakakilig ehh.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...