Chapter 17:Destroying The Evil Baby

8 6 0
                                    

-Kim-












At nagsimula na nga ang digmaan sa dalawang magkapatid. Patay ako ne'to. Ginigipit ako ni Mika eh. Ayaw akong tigilan ng hubas na babaita. Die Hard Fan ata talaga. Ano nalang ang gagawin ko?
















Naaawa naman ako kay Hera, pero mas naaawa naman ako sa sarili ko 'di ba. Uunahin ko pa ba ang iba? No way. Magkasing-edad lang kami so, kaya naman niya na siguro ang sarili niya. Grade lang ang kaniya sa akin dignidad.
















Nasaan na ang Hari ng Impyerno? Hindi siya pumasok ngayon kung kailan pa namang kailangan ko siya. Ayan tuloy, ginigipit na ako ng bonggang-bongga nitong si Mika. Excited na excited ah. Ewan ko kung nananakot lang siya o tototohanin niya ang pagkakalat ng video namin ni Allyson na wala namang ibang meaning.
















Aware naman siya na alam ko ang totoo tungkol sa pagkatao niya 'di ba? Hindi ba siya natatakot na magsumbong ako kay Hera o ipagkalat ko ito sa buong campus?

















"Humanda ka na Kim." bulong sa akin ni Mika sa pagdaan niya sa 'kin ng 'di ako tinitignan.
















Haaayyyy, anong gagawin ko ne'to? Meron na lang akong trenta minuto para makapag-desisiyon na ng gagawin bago magsimula ang reporting nila.

















Bakit ba kasi naman ako pa, sana si Allyson nalang 'diba? Total naman mukhang 'di takot gumawa ng kasalanan ang lalaking 'yon eh. Sa pagdaan kanina sa 'kin ni Mika, 'saka ko lang napansin na inilagay niya na pala ang flash drive sa kamay ko. Patay ako. Huh? Bakit dalawa? Ano 'tong dalawang flash drive na 'to? Ano namang pakulo nitong isa? Mga k-drama ata. Nice!

















Nilapitan ko si Mika na nakaupo para tanungin ito.

















"Bakit dalawa ito?" mahina kong pagtatanong sa kaniya.



















"Dahil ibinibigay ko na sa 'yo ang desisiyon Kim. Pipiliin mo nalang ngayon kung ano ang gugustuhin mong mangyari." pag bilin sa 'kin ni Mika ng hindi ako nililingon. Ang kapal kase ng mukha.



















"Isa sa flashsrive na hawak mo ang naglalaman ng virus na sisira sa report ni Hera. At ang isa ay naglalaman ng video niyo ni Allyson. Kakailanganin mo lang pumili kung ikaw o si Hera ang maliligtas." dugtong naman ng kapatid nitong si James at tinitigan ako. Another case of 'gwapo sana, demoniyo lang.'


















"Huh?!! Wala naman tayong napag-usapan na ganito kahapon ah?!!" medyo napalakas kong pagtataka.
















Ano na naman bang pakulo ng magkapatid na ito? Ang hilig-hilig nila na sa mga paandar ahh.
















"Ibinigay na sa amin ni Russell ang file ng recording kahapon. At bilang kapalit, ibinigay ko na din ang sa 'yo. Pero dahil sa pangengeelam niya kahapon, nararapat lang na parusahan kita, 'di ba?" pagtataray sa niya sa akin at ngumiti.

















Grabe, 'di pa nakuntento ang babaeng 'to ah. Nakuha pa kong paglaruan. Ngayon mas lumala ang problema ko. Akala ko may maitutulong ang lalaking 'yun eh pinalala niya lang pala.

















Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon