Chapter 43:A Night Of Ball

2 1 0
                                    

-Kim-







"Close na close talaga kayo ni lola noh?" tinignan niya si lolang 5 meters palang ang nalalakad kaya napalingon din ako. Sabi niya lalakarin niya daw pauwi eh aabot kaya siya ng bahay nila bago sumikat ang araw kinabukasan? "Anyway. Kim. I'm glad at naabutan kita dito. May gusto kasi akong sabihin sa 'yo-"






""Kim. Be my Girl and I'll be your Man of Reality." 'Yan ba? Gusto mo ba akong maging date mo sa Night Ball?" pagtatanong ko sa kaniya ng walang inlalabas na emosiyon sa mukha ko. Syempre baka mamaya mali pala edi napahiya ako? Ang epal naman kasi ng bibig na 'to eh.








Ngumiti ang kumang sabay napahagikgik. Mukhang 'di siya makapaniwalang may talent ang bunganga ko to predict the next thing na sasabihin ng mga tao. Hehe.









"You got it right. Well..." tumingin siya sa mga mata ko ng seryoso. "I hope you do. Pero okay lang naman kung-"










"It's a date. Kita nalang tayo." tipid akong ngumiti at tinalikuran siya. Inilagay ko na ang mop ko sa cart at itinulak ito. Mabagal akong lumalayo sa kaniya kasabay nu'n ang paglabas ng mga malalanjoot kong pag ngiti na kanina ko pa pinipigilan. Ewan. Ang saya lang siguro ng puso at apdo ko. Talagang lumalanjoot pa rin sila pagdating sa kumang na ajujut na 'yan eh.







"Kim!!" sigaw niya kaya napalingon ako ng nakangiting malanjoot pa din pero nagsimangot ako nu'ng marealize kong mukhang akong asong naglalaway. Tinignan ko lang siya habang inaantay ang sasabihin niya. "I'm glad you chose to be mine for a night." ngumiti ulit siya at isinuksuk sa bulsa niya ang kamay niya saka diretiyo na namang tumindig.




Tipid nalang akong ngumiti at humarap na ulit sa cart ko saka tinulak na muli 'to. Tapos muli kong pinakawalan ang mga malalanjoot na pag-ngiti-ngiti.








###





"Pa-try naman niyan." sabi ni Bea.






"Baka ma-disappoint ka lang sa itsura mo. Ikaw din. Gusto mo bang masaktan?" sagot naman ni Sandra sa kaniya.








"Huh? Ang ganda ko naman eh. Baka 'yung damit ang ma-disappoint kapag sinuot ko siya. Kaya 'wag mo akong alalahanin. 'Yung damit ang alalahanin mo." pagsasalita ulit ni Bea.







"Ah talaga ba? Tirik na ang araw pero lakas mo paring managinip ahh. Alam mo, libre naman talagang mangarap. Kaso alam mo 'yung sinasabi nilang on chosen items? Libreng mangarap on chosen items only gano'n. Ngayon ang gawin mo, humanap ka ng damit diya'n na sigurado mong babagay sa 'yo at hindi mo ikapapahiya." mahabang litanya namang sabi ni Sandra at patuloy na nagpalitan ng murahan-este salitaan ang dalawa habang ako ay bagsak na nakabulagta na parang gulay sa papag kong matibay pa sa tuhod ng lolo niyo. 'Wag 'yung lolo ko kasi baka multuhin ako nu'n eh hehe.









"Akin na 'yan. Para walang away. Ako ang magsusuot nito." pagsingit ni Laura ng boses niya na mala Jack and the Beanstalk-'yung mga giant do'n.







"Huh? Hello? Para sa katawan kaya 'yan. Baka 'pag ikaw nagsuot niyan maging pang-gloves nalang. O kaya, medjas. AHAHAHAHAHAHAHA!" lantarang panglalait ni Bea kay Laura kaya nakaamoy ako agad na muling may dugong dadanak. Pero bago pa mangyari 'yun, naisuksok ko na agad ang katawan ko sa ilalim ng papag incase magka-world war 3 with intensity level 9999999999. Mahirap na. Mamayang gabi na 'yung Ball. Ayoko namang magka-make up na pasa incase.





Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon