Bonus Chapter:Eversince I Loved You

23 2 6
                                    

-Kim-

Hindi ko alam kung ilang araw, buwan, o taon na ang lumipas simula nung maging maayos na muli ang daloy ng buhay ko. Finally. Nagkaroon na ng cooperation si tadhana at hindi na nagbiro sa 'kin. Minsan oo pero madalas, hindi parin ako natutuwa sa mga biro niya.

Katulad nalang ng pagtagpo-tagpuin niya ulit kami ng mga landas. Ako. At ng apat na kumang. At hindi pa nakuntento ang mapagbirong tadhana sa biro niya. Dahil pinaglapit-lapit niya pa kami sa isa't-isa.

Pero wala naman akong magagawa 'di ba? Alangan namang ireklamo ko siya sa Presidente eh hindi naman din sila close.

I don't blame fate for all this bad lucks. Kidding. Siguro gusto lang niyang makatulong. Gusto niya lang mabigyan kaming lima ng closeness since may mga naging ganap naman kami sa buhay ng bawat isa noon. We're not strangers to keep ignoring each other. And no one here is exempted in forgiving. Walang pataasan ng pride dito. Hindi uso.

Ang point lang siguro ni Tadhana eh, may plano pa siya para sa amin.

Wala akong ideya kung ano man 'yun but it's good that we can now breath air in the same place. Wala ng artehan. Hindi din uso.

Comparing to the happy ever after na meron sa mga fairy tale story, this one is much more better. Isang magandang Once Upon A Time, at Happily Ever After.

I once felt that love and gave me a happy ending.

And it's true. It is really how happy you were the time you felt that love for someone. Either it's in the past or will be in the future, what you've felt that time will always be a happy memory of yours for both past and future you will have. That's love. There will be no regret in it for feeling how inlove you were.

Doon mo kasi malalaman kung gaano kasarap ma-inlove. Naramdaman ko 'yon at guaranteed. Legit na masaya talagang ma-inlove. In secret man o bulgaran pa. Campus crush man o kahit sa Bestfriend mo lang. Don't be afraid for falling inlove to someone. Because love must not be stop. Parang globe dapat. Go lang ng go. Oh, paid advertisement ito ah.

Masaya. Kaso, wala nga lang ikinasal sa dulo ng kuwento.

Joke.

Meron pala. Hehe.

Muntikan ko ng makalimutang kasal niya ngayon. Isa pa 'to sa mga biro ni tadhana na hindi ko talaga matanggap-tanggap. Kung ano 'yon. Eto. Alamin niyo. Tapos kayo naring humusga kung magandang biro nga ba ito o ano. Basta. 'Yun. Kung ano man 'yun.

"Nakahanda na ang bride. So ano? Pa-special ka ganon?" pumaywang si Sandra sa harap ko.

"Ang supportive ah. Maid of Honor? Nanay? O tita ng kinakasal?" tumayo naman ako mula sa pagkakabagsak ng katawan ko sa kama. Medyo puyat din ako. Akala ba niya siya lang ang nag asikaso ng buong kasal na 'to? Ang feelingera ahh. Bida-bidahan din ehh.

"Pagod na pagod teh? Lantang-lanta ang katawan ah. Ipapaalala ko lang sa 'yo ah, hindi ka puyat kagabi dahil hindi ka naman sumama sa amin sa pa-bachelorette party namin kay Laura eh. Oh ano? Saan ka galing ha? Sinong kasama mo? Anong ginawa niyo?! Sige, sagot." usisa niya kaya napairap naman ako.

"Labas na. Hihiga pa ako ng mga ilang minuto." ibinagsak ko naman uli ang katawan ko. "At 'wag mong basta-basta kinu-question ang mga naaambag ko ah. Baka pag pinakuwenta ko sa 'yo lahat donation ko sa kasal na 'to eh mapa-tumbling ka diyan. Mahirap maglabas ng perang labag sa loob noh." pumikit ako habang nagsasalita.

Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon