Chapter 24:Colden Days And The Comeback

11 6 0
                                    

-Kim-













Dahil nga isa akong malaking shunga na tumubo sa pwet ng bobitang si Laura at pinisa pagkatapos sumambulat sa pangit na pagmumukha ng eng-eng na si Allyson ayun, nasaktan ko lang naman ang feelings ni Russell. 'Di ko alam kung pa'no ko nagawa ang bagay na 'yun. Basta ang alam ko lubos akong maganda dahil sa wakas ay nagparamdam ang taong matagal ng namatay sa istorya ko. Teka lang Author x, bakit Colden Days? Shunga ka rin ba na tumubong pigsa sa bobitang pwetan ni Kim? Makinis pwetan ko ahh. Pinkish pa. Iihhh tama na nga ang usapang walang kwenta kagaya ng Author ne'to. Pa'no mo nagawang hayaan lang na saktan ko ang pakiramdaman ni Russell kung alam mo naman pala na sa kaniya 'yung kwintas. Binigyan-bigyan mo pa siya ng pov at ginawang detective 'saka ganito lang gagawin mo? Wala ka bang utang na ganda sa 'kin? Kagigil much lang.










Palibhasa, hindi ikaw ang nakakaranas ng mga nararanasan namin dito sa kuwento, lapnusin ko kaya apdo mo? Kasi naman ang ginagawa mo lang mag type ng kaingay-ingay, wala ka bang planong i-silent phone mo? Pabida ka din noh? Bakit ba kita binibigyan ng exposure sa maganda kong kuwento? Mabalik tayo sa mga issue ng life ko ngayon, dahil nag sabay ang dalawang kumang na lalaki, aba'y ang kakapal ng kaluluwa at nakuha akong bigyan ng ganito kahirap na problema. Una si Russell Parking Lot na napaka-drama. Sa kaniya naman pala 'yung kwintas bakit 'di na lang niya ko tinanong nu'ng una palang? Edi sana hindi na nadagdagan ulit ng isa pang problema ang problema na 'yan? Kita niyo naman, ang Shungang Bobita na si Kim ay ibinigay lang naman sa lalaking alipores ni Mika na hindi ko alam kung saan hahagilapin at ng mabigyan ko ng magkaibigang plastik na sampal. Paano ko nalang mababawi ang mahiwagang kuwintas ni Russellot? Ang lalaking nagbibigay nalang ng malaking Salot sa buhay ko. Chot!











Ang kapal naman din ng kaluluwa kong lait-laitin pa siya eh samantalang may kasalanan pa 'ko sa kaniya. Saan ko ba kasi hahagilapin ang makapal na kaluluwa ng babaeng 'yun-si Mika. Bukod kay Maxima na matagal ko nang ibinaon sa ilalim ng impyerno, makapal din ang kaluluwa ng kambal niya kay Satanas. Ewan ko ba, sinka-kapalan na lang sila eh pareho lang naman silang halang at makapal ang kaluluwa. Speaking of makapal ang kaluluwa, total kanina pa natin 'yan pinag uusapan, aba'y idamay na natin ang isa pang lalaking may makapal na kaluluwa. Ang kapal, ssssoooobbbbbbrrrrraaaaaa as in. Para siyang Rebisco, may Pasobra, dahil makapal siya. Ano naman kayang bumulong sa katawang lupa niya para magpakita ulit sa istorya ko? Akala ko ba tapos na ang role ng lalakeng 'to? 'Di ko naman alam na natuwa ang author sa kaniya at binigyan ulit ng exposure? Ahhmm Mr.Author X, woohoo. Tanong ko lang, Mr ka ba talaga o sadiyang may crush ka lang kay Arlo? Kung meron please lang aba'y ang kapal din ng kaluluwa mo. Talagang balak mo 'kong agawan ahh. So gusto mo ba 'kong maging karibal? Ano?!! Laban?! Shutabells ka ang lanjoot mong isa ka pa!











"Gusto mo bang makakuha ng zero ngayon bobitang maharot ka?" pagtaas ng kilay sa akin ni Shorena. O siyempre ako naman 'tong takot sa mga lamang dagat na may malansang pagmumukha at amoy ay mabilis na umayos ng upo. Nakasalukbaba kasi ako kanina at lutang na lutang. 'Di ko nga napansin na nasa harap ko na pala ang mabantot na si Shorena. Pero naamoy ko na ang lansa niya kanina, ang sang-sang. "Pinag-iisipan mo ba ako ngayon na isang malansang isda?!" curious na tanong ng malansang Shorena. Nagpunas muna ako ng laway sa gilid ng bibig ko. Shutabells, mamaya maghaharap tayo mga malalanjoot na problema.










"Ano po? Ahahahahahhaa! Bakit ko naman po kayo pag iisipan ng malansa..." humina ang boses ko at tumingin kay Shorena mula ulo mukhang paa at amoy isdang bilasa. "Ehh, wala naman po akong iniisip na ganun ehh..." pagsisinungaling ko dahil kapag naging honest ako ngayon, panigurado hindi ko na muling makikita ang kalupaan. Siyempre hindi ko naman balak titigan ang mukha ni Shorena under the sea dahil ibang kalupaan lang ang makikita ko. 'Yung kalupaan na nag land slide tapos marami pang apak ng paa at gulong. Nakakatakot 'di ba? Bukod sa masangsang tignan, ang laswa rin. 'Di ko ma-imagine kung mabubuhay ba ako ng hihigit sa limang segundo kung tititigan ko siya. Pero dahil honest ako, ayoko lang madala under the sea, magiging plastik muna ako. Sorry po Papa God.












Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon