Chapter 27:White Or Red?

12 6 0
                                    

-Kim-







Oh sa pula sa puti, sa itim at dilaw, at sa lahat ng kulay. May piso kahit walang puso, may Dos kahit single at Tres kahit loner, maghulog na kayo dahil sisimulan na natin ang pasugalan para sa mga nalalapit ang kamatayan. Keme! Ahshshshshshshs. Nabaliw na naman ako. Eh pa'no naman kasi ako titino sa mga sitwasiyong ganito? Dala-dalawa ang naghahabol sa akin. Ene be, pwede nemeng wen bey wen. Meherep kese peg sebey-sebey, ehehe. Keye ke nemen keyeng herepen lehet ehh.









Haayyy shocks! HAHA! Bakit kasi hindi pwedeng ma-fall nalang ang isang tao sa isang tao lang din. At ma-inlove ang isang tao sa isang tao lang din. Tapos mag mahalan ang isang tao at isang tao lang din. 'Wag 'yung nagmamahal ka ng bonggang-bongga na parang nag uukay-ukay ka lang. Kinukuha mo lahat ng gusto mo kahit na hindi mo na magagamit ang bawat isa sa kanila. Ano bargain lang? O eat all you can ganon? 'Di ba? So anong mangyayari sa binili mong iba? Masasayang, matatapon, mababasura lang. 'Di ko naman kasi ma-intindihan sa puso natin, nag iisa lang siya yet naha-handle niyang mag mahal ng marami. At isa lang siya, yet maraming nagmamahal sa kaniya. Famous lang ate Heart-Heart? Kaya andaming nasasaktan sa mundo ehh.











Pero gano'n na ata talaga kapag maganda ka! Keme! MWAHAHAHAHAHHAHA. On the way na sana ako papuntang room ko ng biglang may bumunggo sa dinadaanan ko. 'Yung pang malanding scene na nabunggo ka ta's nag slow-mo ang oras at 'yung mga gamit mo lumipad sa ere 'saka nagkatitigan sa hangin ang mata niyo nang nakabunggo sa 'yo na sa una magiging kaaway mo ta's naging close kayo, ta's friend, ta's nagka-developan, ta's nag aminan ng feelings, ta's naging kayo, ta's nasaktan niyo ang isa't isa, ta's nag move on na kayo, ta's nahanap niyo na ang tunay niyong happy ending na hindi happy. 'Di ba? Kaya kung ako sa inyo umiwas na kayo sa mga bungguan scene na 'yan. Para dumeretso na kayo sa happy ending 'kuno' at hindi na kayo dumaan sa ganiyang sakit na nararamdaman.










Mabalik tayo sa ajujut na bumunggo sa 'kin, kasi mamaya tatadiyakan ko na siya sa apdo para naman hindi na kami tumuloy sa stage na mamahalin namin ang isa't-isa tapos masasaktan kami sa dulo. Ngayon pa lang sasaktan ko na siya para naman maprotektahan ko ang sarili ko.












"Aaiisshh! Problema mo!" inis kong sabi habang pinpulot ang mga gamit ko at nakipulot naman ang kumang na bumunggo sa 'kin. Grabehan ahh, Feeling close kuya? Ke'lan pa?










"Sorry miss, nagmamadali kasi ako." aniya at imbis na pulutin ang mga gamit ko mas lalo niya pang ginulo. Nakteteng! Ang helpful ahh. "Sorry talaga."











"Ano ba 'yan! Next time kasi tumingin ka sa-" iniangat ko na ang ulo ko at ganu'n din siya. Kahit na nakakangawit sa ganu'ng posisiyon, parang huminto lang talaga ang mundo. Shutabells, eto na 'yung sinasabi ko eh! Kontrolin mo Kim please. "Ey, ehehe. Ene be yen. Sereeh, nekekeheye nemen eng genewe ke. Ekey leng." pumalupot ang dila ko sa sobrang kalanjootan ko. CHOT! MWAHAHAHAHAHHAHAHAHA! Hindi pala ganu'n ang nangyari. Ganito pala. "Ta*gA, TA*ga m0h nAmaN 3h! An0H? NaH bUlag nA, gaNo'n?! PoR qUe nakakiTah lHang nG MaGANdhA?! KAiniS! Kav0v0 m0 nAmaN atA mAsiYado HA!" 'yan dapat ang eksenang nasa utak ko kaso hindi nangyari. Nalunod na ang kaluluwa ko sa kalanjootan kaya hindi ko na napigilan ehh.











"Miss!" bumalik ako sa totoong buhay ng maamoy ko ang hininga ni kuya. Naglalaway pa nga ata ako eh. Ano ba 'yan! HAHA!










"Eh?" pagtataka ko at inipit ang buhok ko sa gilid ng kanang tenga ko.












"Sabi ko nagmamadali ako kasi may babae pa akong paiibigin. Alam mo ba kung nasaan si Gelynnah? Mamahalin ko pa kasi siya eh." sabi niya at nagningning naman ang mga mata niya dahil sa pag banggit niya sa pangalan no'ng karibal ko. Chot! "Alam mo ba?"











Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon