Chapter 50:Ending of Eversince

5 3 0
                                    

-Kim-

"Sure ka na ba dito?!!" gulat na pagtatanobg ni ate gurl na mukhang ayaw pa ata akong i-let go. "Sa lahat ng janitress dito, ikaw ang pinakamagaling maglinis. At pinakamagaling sa paglilinis. Tapos pinakamagaling sa kalinisan?"




Nataasan ko tuloy siya ng kilay. "Sige. Bola pa. 'Di mo na mabibilog ulo ko teh. Chot. HAHA! Maggo-goodbye na nga kasi ako kaya iabot mo nalang 'yang resignation letter ko sa Bhosxz M4pAgm@hAL niyo. Bye na! I'm done cleaning bes!" inirapan ko siya at proud na tumalikod sa kaniya. Kahit na alam kong pagsisishan ko 'tong desisiyon ko sooner or soonest.




"Pero Ms.Dela Fuente!" nilingon ko siya.



"Pipigilan mo ba ako?! Galingan mo please para hindi ko 'to pagsisihin huhu." dugtong ko sa ibubuka sana ng bibig niya.




"Ahh. Hindi po noh. Go lang kayo kung bet niyo na talaga. Hindi ka naman kawalan eh. Kaya lang gusto ko lang pong maintindihan niyo na kapag naibigay na 'tong resignation letter niyo eh kasama na po du'n sa pagkawala ng trabaho niyo ang sponsorship niyo sa company." pangbabastos niya sa 'kin. Sino ba 'tong extrang 'to direk? Medyo bastos ah. Wala sa lugar ang pag uugali.



"Alam ko hindi ako bobita! Pero medyo matabil 'yang dila mo noh? O pasmado? Humanda ka pag naging mayaman ako papatanggal ko 'tong kompanya niyo sa business industry. Che!" muli ko siyang tinalikuran at nag flip hair pa tapos naglakad palabas ng kompanya nila ng buong tapang at punong-puno ng pride. Hindi pala ako kawalan ah. Edi wow!




###






"Lilipat na ko ng university." saad ko habang nagmo-mop ako ng sahig. Kinakausap ko 'yung pang-mop ko eh. Tiyaka 'yung sahig. Pati 'yung timba at cart ko.





"Loka ka ba?!" aba sumasagot. Yey. May makakausap narin sa wakas.



"Medyo, siguro? Ihh kasi naman dinaig ko pa ang principal dito sa campus. Mas kilala pa ata ako ng mga estudyante kesa sa kaniya. Huhu! Kasalanan 'to ng apat na kumang na 'yun eh! L4 daw! Mga junior ni Satanas! Dahil sa kanila nasira ang buong buhay ko!! Sinira na nga nila dati tapos ngayon nakiki-eksena sila tapos manloloko lang pala sila tapos ako pala 'yung niloloko nila tapos ako naman 'tong bobitang naloko at nagpaloko at nagpapaloko at shutragis huhu!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!!!" nai-stress kong pagrereklamo sa kanila.




"Ehh nagpaloko ka pala eh! Ngayon sinong may kasalanan?!" panunumbat na lait ng walang'yang mop ko.




"Bastos ka rin noh kagaya nung gaga du'n sa kompanya ng kumang? Ano galing ka ba du'n? Iww." balik kong lait sa kaniya. "Bakit ko ba kayo kinakausap eh mga extra lang din naman kayo na walang ambag sa buhay ko. Bahala nga kayo diyan, tsk." irap ko sa kanila at nagpatuloy nalang sa paglilinis ng may sumakit sa batok ko bigla. Parang kumirot. 'Yung parang may humampas ng malakas kaya bigla akong nahilo. Sino kayang hubas 'yun?




"Oh napalingon ka?" pagtaas niya ng kilay niya. "Sakit ba? Mabuti naman kung ganon." mayabang niya pang pangiinis.



"Gusto mo gumanti ako? Isa lang mga ganon." mas umarko naman ang kilay niya sa 'kin. "Chot lang. Taray naman ni ate ko."




"HOY KIM! ANO 'YUNG NABALITAAN NAMING NANGYARI SA 'YO AT SA L4 DU'N SA CAMPING HA?!! BAKIT 'DI KA NAGKUKUWENTO?! HINDI MO BA KAMI KAIBIGAN?!! PLASTIC KA PALA EH. WALA PLASTIC." pagpasok ng isa pang bababita sa eksena.



Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon