-Kim-
Alas-dose na, nakahandusay pa rin ako sa matigas kong papag dito sa apartment at kabog pa ng mga mata ko ang haring araw sa pagka-tirik. Buong gabi ganito ako, dieretsiyo lang 'yung tingin ko sa kisameng inaanay na, habang umaasang may malaglag na ilang pirasong anay sa bibig ko dahil gutom na gutom na talaga ako pero tamad akong gumalaw para humanap ng pagkain-chots.
Mabuti na lang at maluwang ang schedule ko ngayon sa school, wala kasi akong major subjects ngayon, you know me naman 'diba? Matalino pero jejemon lang din hihihihi.
Dapat may part-time akong papasukan ngayon, kaso wala na talaga ako sa mood ehh. Parang hinigop lahat ng energy ko nu'ng mga nakakalokang kaganapan kahapon, grabeh 'yung pagka-higop sa akin kahapon, nakakaloka pa sa vacuum mga tiihh.
Bigla na lang, wala sa script, may mainit na luhang lumandas pababa sa pisngi ko. Bumagsak 'yun sa unan ko dahil pa-side siya ng slide pababa. 'Di ko 'yun pinunasan-sabi kasi 'yun ni Direk para nakaka-awa daw akong tignan. 'Di rin ako nakapag-isip ng rason bakit nangyayari na lang ang mga ganitong bagay sa akin.
Bigla ko tuloy naalala 'yung sinabi ng sarili ko sa sarili ko, "'Wag kang umiyak, BOBITA. Nagmumukha kang kambing na sinisipon. Matulog ka na lang, mas bagay mo pa, tapos 'wag ka na ulit magising. Hehehehe."
Maski sarili kong pagkatao, nagiging kontrabida na sa buhay ko eh, actually pinapalayas na nga ako ng kaluluwa ko kasama ang katawan ko ehh. Kaso, 'yung ibang parts of my sexy body mabilis na nag reklamuhan. Kesyo ayaw daw nilang sumama sa akin, nakakadismaya naman daw, kung pwede daw bang mag independent living na lang din sila, unfair, gano'n gano'n, so ayun, napagdesisiyunan na lang namin na ako na lang ang maging kaluluwa ta's sama-sama na lang silang mamumuhay ng mapayapa basta wala lang ako.
Bahala sila sa mga buhay nila aahh, tignan ko lang kung magawa nilang huminga ng wala ako. Wapakels kahit na sarili ko pang katawan 'yun tas bubulagta sa harapan ko.
"HOY BABAITA!! BABAITANG SHUNGA!!!! ANO NA NAMANG DRAMA MO SA BUHAY HA?! 'PAG 'DI KA LUMABAS DIYA'N! IPAPAKALADKAD KITA KAY APO TAKTAK!!" sigaw ni Rodora X na tinanggalan ata ng lalamunan simula pagkabata kaya iba den kung makasigaw.
Ano na naman bang problema nito sa buhay niya? Sa pagkaka-alam ko, nag bayad naman ako ng upa last week ah, sobra-sobra pa nga ehh. Biwisit siya ahh, kahit sa sarili ko na lang kuwarto nawawalan pa ako ng katahimikan sa buhay. Kainis! May mag tayo lang talaga ng paupahan diya'n sa kabilang kanto o kahit tapat lang niya lilipat at lilipat na talaga ako. Bwisiiiitttt!
"Pwede ba Rodora? Ang Chikadorang Mananayaw ng Night Club, bigyan mo naman ako ng katahimakan kahit ngayon lang dito sa kwarto KO. Please ngayon lang, may taping kami ohh, galit na si Direk dahil diya'n sa bunganga mo!" pag aaklas ko laban sa kaniya. Talaga namang walang bahid ng pagiging makanilalang itong Rodora x na ito. May puso ba 'to o ano? Sabagay, Rodora nga siya so sa tingin ko, -mmmm- lang ang tumitibok sa kaniya.
Habang diretiyo akong nakatingala at tuloy sa pag katok si Rodora, bigla ko na lang naramdaman na lumamig ang likuran ko. Buti pa 'yung higaan ko may pa cold effect, nakiki-isa talaga sa war on feelings ko. 'DI TULAD NG ISA DIYA'N!!!! HMMMPP!
"HOY KIM! ISA NA LANG TALAGA KAPAG HINDI MO PA BINUKSAN ANG PINTONG 'TO, IPAPAGIBA KO NA 'YUNG KWARTO MO AT DIYA'N KA NA MAG S-STAY HABANG BUHAY!" pangangalampag niya pa ulit ng pinto. "Hala Berta, sige! Kuhanin mo 'yung kadena para sa aso." bulong pa niya at nakarinig ako ng mga yabag na tumakbo palayo. Kasabay no'n ay mga bulong-bulungan outside na parang nagrereklamo sila sa isang bagay.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...