-Kim-
Dahil lubos naman ang kagandahan ko isha-share ko na sa inyo ang nangyari sa kalanjootan ko kahapon. Ganito kasi 'yan, 'di ba nga walang pasok sa amin kasi busy ang lahat sa paghahanap ng kani-kaniya nilang malalanjoot. Slut business 'nga kumbaga, so dahil ako nalang ang last pretty, gorgeous, sexy, glamorous, innocent beautiful, lovely, sophisticated, exceptional, smart, intelligent, strong, brave, and one and only virgin standing, nag walk out ako at snob nalang sa kanila. Mga malalanjoot nga ehh, tinalo ang Valentines Day kahit November palang. Imbis na Araw ng mga patay, naging Araw ng mga malalanjoot na mukhang patay-na kuko.
Dahil nga naingit ako sa mga malalanjoot-chot! Dahil nga sawa na akong mag bending, cartwheel, mag tambling ng upside down, mag split to the left to the right, tumiwarik at ibalibag ang katawan sa kisame, tinry ko naman mag jumping rope na ulo ang tumatalon. Naghahanap kasi ako ng mga extreme exercise that time kaya 'yun ang na trip-an ko. Balik na nga tayo sa kalanjootan ko kahapon, dahil nga humahaba na ang previous chapter, eh hindi ko na naikuwento ng bonggang-bongga ang mga eksena. Si Author kasi wala ng strength para mag type tiyaka naghahabol daw siya ng charger. Isa pa, wala na daw kaming budget para mag over time kaya naman kayo comment-comment din 'pag may wifi.
Promotion lang 'yan para naman baka sakali, bumenta ang pangit na story ni Author XnX. Ang lanjoot ng name nuh? Malaswa na malanjoot pa. Now I know kung bakit ganito nangyayari sa kuwento ko. Eto na nga ang nangyari kahapon. Tahimik akong nagbabasa sa bookstore ng mga librong naka-sealed pa at siyempre 'di ko mababasa kung hindi ko tatanggalin ang sealed 'diba? Kaya naman nginatngat ko ang gilid hanggang sa hindi ko kinaya ang tibay ng pagkakabalot ginamitan ko ng matatalim kong kuko at dahil do'n nabalatan ko siya ng bonggang-bongga. Naka-sampung libro din siguro ako bago ako matiktikan ng security guard, kaya ayan ako, etong bobitang shunga tumakbo din ng bonggang-bongga para iwas gulo na din. Pero ang extra na guard, todo habol sa 'kin like okay? Alam ko habulin ako, pero, 'wag naman ninyo akong ipahabol kung kani-kanino lang. Duh~ So ayun, nalaman ko du'n na siguro gusto niya ng gulo. Kaya pinagbigyan ko dahil tutal naman generous akong tao, at naniniwala pa rin sa kasabihang "Generosity, is in the General Santos City." 'Di niyo gets? Ako den ehh. Korni ng Author, Shutanena!
Todo karipas ako ng takbo no'ng nalaman kong galit pala siya sa 'kin at balikan ko daw siya dahil naghihintay sa amin ang bunso naming anak. Imbis na maging mabait ako sa kaniya para maupakan siya kasi nga naghahanap ng gulo, natakot ako at nandiri, tinanong ko pa siya kung joke time ba o may nakatagong camera ang sabi niya ito daw talaga ang katotohanan, kaya panagutan ko daw siya. Dahil seryoso na siya, kumaripas ulit ako ng takbo at nu'ng nasa pinto na ako patungo sa aking kalayaan ay may kumang na ajujut na biglang sumulpot at humarang sa daraanan ko. Sa sobrang galit ko, hinila ko siya at dinakma ang leeg 'saka ipinalupot ang mga binti't kamay niya sa buong katawan niya tapos inihagis ko siya kay kuyang guard na extra sa kuwento ko.
'Yun sana ang hinhiling kong mangyari, ang kaso, it's too late, chocolate, na kasi para umilag at hilain si Russell kaya ang nangyari, bumundol ako sa kaniya at bumagsak kami sa sahig tapos accidentally na-kiss ko ang labi niya with matching echo pa nang pagkakauntog niya sa sahig-oopss hehe binabawi ko ang nakakadiri kong joke. Ang totoo kasi du'n, nabundol ko siya tapos tumama ako sa matigas niyang chest at mmm tapos sabay kaming bumagsak ng sahig at pagkamulat ko ng mata, may sampung anak na kami. Alam kong bangungot lang 'yun kaya pinikit ko ulit ang mata ko at pagkamulat ko ulit, bente na ang anak namin. Dahil masamang bangungot na naman, pumikit ako ulit-ulit at pagkamulat ko, trenta na ang anak namin 'saka ako tumingin sa balat ko para kurutin ito nang magising ako sa bangungot na 'to pero nagulat ako ng pagkakurot ko ng balat ko ay biglang nangulubot tapos in a second naging abo na ako. Kaya namulat ulit ako at pagtingin ko sa paligid, parang nasa langit na ako ni Russell at may isang daang anghel na kami. Ang ko-kyot nilang lahat, sarap pisain ng apdo nila dahil ang 99 kong anak ay kamukha ni Russell na sobrang gwapo at 'yung nag-iisang babae ay kamukha ko at mukha pang chonggo. Teka? Mukha ba akong chonggo?
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...