-Kim-
Again, for the last time, andito na naman ako sa kwarto ni Arlo. Pilit kong inaalala ng mabuti ang mga masasaya naming mga alaala. No sad memories, just the good one.
Alam ko may dahilan si Arlo kung bakit niya ko piniling iwan at umalis ng basta-basta. At darating ang time, alam kong makakauwi na din siya ulit dito.
Alam ko, mahal niya din ako, 'di man bilang isang babae, kahit na isang Bestfriend lang niya. Kaya naman hindi niya ginustong magpaalam sa akin ng personal dahil ayaw niyang makitang nasasaktan ako. Ramdam ko 'yon. Sagad to the apdo.
Kaya kahit ano pa ang dahilan na ibigay niya sa akin, tatanggapin ko pa din siya. Wala akong pake kung ilayo pa kami sa isa't-isa ng sitwasiyon niya dahil ako mismo ang gagawa ng paraan para magsama kami at maging masaya. Oh, 'diba? Feel na feel ko talagang maging asawa niya ehh. Practice din 'to.
Habang nalulungkot ako dito at nakaupo sa sahig dumating si Nicole at malungkot na lumapit sa akin. Napakalungkot ng mga mata niya. Nalulungkot din siya sa pag alis ni Arlo.
Umupo siya sa tabi ko at hinagkan ako para damayan.
"Panahon lang ang lilipas. 'Wag kang mag-alala. Ikaw pa din ang bestfriend niya." pag -comfort niya sa akin. "Kahit pinsan niya na lang ako sige, sa 'yo na ang spot. Saksak mo sa baga mo." pagsubok niya pang patawanin ako. Tinignan ko lang siya tapos mas lalong nilungkutan ang mukha ko. Joke ba kasi 'yon? Ano kaya 'yung isasaksak ko sa baga ko? Malaki kaya? Hmm.
###
Nakalimutan kong may reporting pala kami ni Ian ngayon! Patay ako, kainis! Absent na nga ako ng two weeks, kulang na 'ko sa projects tapos, late pa ko ngayon sa reporting. Oh may gulay. Goodluck na lang sa future ko sige.
Lagot ako talaga ne'to.
Mabilis kong tinakbo ang daanan papunta sa building namin. Todo hingal talaga at todo tagaktak ng pawis ang ginawa ko makaabot lang on time pero on beautiful state pa din syempre.
Kahit na nanginginig pa ang mga tuhod ko dahil sa kaba, tuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa tapat ng room namin na hingal na hingal.
"Ma'am....!!???" malakas kong pag sigaw na tumawag ng atensiyon ng lahat. Wow, synchronize ah.
"Yes Ms. Kim..???" pagtataray ng teacher naming drinawingan ang kilay habang si Ian ay nasa harapan na at nagrereport. Grabe 'tong teacher namin oh. Taga-baryo lang, pero with a class pa. With a classroom lang syempre.
"Kim..??.. Sa'n ka ba galing at nakalimutan mong may Reporting tayo ngayon..???" pagbulong ni Ian sa akin.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...