Chapter 36:If We Met Again

3 1 0
                                    

-Kim-











Gusto ko, palagi sa isang bagay na sinisimulan ito ng maayos at matiwasay para magawa ko din ng maayos at matiwasay kasi gusto ko rin itong matapos ng maayos at matiwasay--Aay?! Walang ibang maisip na words Mr.Author? Puro lang ba tayo Maayos at Matiwasay dito? Ano?! Nagkakalokohan na ata dito ehh, akala mo 'di ko na basa 'yung latest Note mo?












Alam ko namang matagal ka ng naa-alibadbaran sa akin at kating-kati na 'yang mga daliri mong mag type para sa ibang istorya, well you know, what's some good news? The feeling is very mutual.













Tinitiis lang kita kaya tiisin mo rin ako at mag tiisan tayo. Do you understand now Author xxx, huh? Tignan mo, napapa-english na ako sa sobrang pagka-beast mode ko sa 'yo, hmp!












Imbis na makipagbakbakan ako sa pangit na nilalang na nag type ng kuwento ko, nag hilamos na lang ako at nag handa ng almusal para sa sarili ko. Baka matunaw lang ang utak ko kakaisip kung bakit, ano, saan,kailan, sino at paano ako nag iisip. Nakaka-payat ng utak, baka sumobra sa sexy itong napaka-sexy ko ng utak.











First day ko na para sa second sem, bilis ng mga araw noh? Gano'n talaga, kapag kuwento, no need to enumerate lahat ng ganap sa buhay ng bida, kaso 'yung akin iba naman, ma-dada lang ako pero wala talagang konek lahat ng nababasa niyo sa kuwentong ito. Para lang mapahaba ba, gano'n. Kaya mag reklamo kayo 'wag sa 'kin, kun'di du'n sa pangit na manunulat ko ←←←.
















Bagong classmates na naman, bagong Prof. Bagong room, bagong lessons, bagong kalbaryo's pero sa buhay ko walang bagong ganap. Ano bang pake ko kung mag bago ang lahat ng nasa paligid ko? Hindi rin naman ako nakikisalamuha sa kanila ('yung mga kakklase ko ang pinuputok ng butchi ko).














Pag aaral at part time lang naman ang habol ko, inside and out ng campus, wala naman akong kasamang makaka-"hangouts" o "goals-goals" like, "travel goals", "selfie goals", "friendship goals"---"ek-ek goals". Alam ko lang namang goals ay Tokyo Goals--(Ghouls 'yun, alam ko 'yung spelling, unahan ko na kayo baka lait-laitin niyo na naman ako LALO NA 'YUNG ISA DIYA'N!!!".















Wala rin akong makakasamang mag-food trip, road trip, sound trip, ek--ek'ch trip, kasi ang trip lang na alam ko ay 'yung mga sinusuot ng mga lalaki--(brief 'yun at alam ko din 'yun, uunahan ko lang ulit kayo kasi baka LAIT-LAITIN NIYO NA NAMAN AKO LALO NA 'YUNG ISA DIYA'N!!















Ang boring ba ng buhay ko? Gano'n talaga kapag kilala kang outcast. O 'diba, outcast pero kilala, how ironic I am, talaga. Tapos napapa-english pa ng korning malupet!














Nga pala, imbis na kung ano-anong ikuda ko, i-inform ko na lang kayo na may bago na 'kong phone /inner me>Yey!/ at mabuti na lang touchscreen na siya wooooohhh! /don't touch me, I'm RICH-EESE/ okay insert another kakornihan. 'De kasi, bagong pakulo 'yan ng mga taong bumibili sa canteen so, ayun narinig ko lang naman sa kanila. Ang yayaman na ng mga pagkain ngayon ahh, dati sa amin, pati jungle may bites, tapos 'yung sigarilyo biscuit din, tapos 'yung babaeng walang panty, peyborit ng mga batang 90's-siyempre included ako duon kahit na hindi naman halata.














Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon