-Kim-
"Kim!" natigilan ako sa paglalakad at napalingon. He followed me up here. Bakit? Ano namang kailangan niya?
"Russell?" I uttered his name. Kunot noo ko siyang tinignan. "Guess what. Nandito ka para magpasalamat na hindi ko binunyag 'yung totoong ginawa niyo sa 'kin nung college. Right? Well. Your welcome. But sorry, I didn't do that for you. Hindi para sa inyo. So keep your gratitude for yourself." pagsasalita ko bago pa siya makapagsalita.
Hindi naman sa nagtatanim ako ng sama ng loob sa kaniya ah. O sa kanila. Of course I didn't. Everyone forgets what happen already. So bakit wala ba akong karapatang kumalimot din? Though I know it was really hard. Pero hindi talaga ako nagtanim ng sama ng loob. Why would I? They shouldn't have a place in my heart. Kahit galit pa 'yan. Maybe in my memory, okay yes. Tulad ng sinabi ko, hindi talaga ganun kabilis at kadaling tanggalin 'yun. Parang mantsa lang sa damit.
Mukhang wala pa siyang masabi sa ngayon. Tinititigan niya lang ako. We grew up so much. From outside appearance, up to inside. Nakita ko 'yung pagbabago na 'yun sa sarili ko. I witness myself grew and change I think?
At nakita ko rin 'yun sa kanila. But I wish they change for good.
"Let's go Kim." pag anyaya ni Benj. Nahirapan din akong bumitaw sa mga titig niyang 'yun. Bakit ba kasi kailangan niya akong titigan ng ganon? Why would he? And what could it be? Anong rason nung mga titig niyang 'yun? Anong paliwanag? Anong dahilan? What's with his eyes? Anong laman nun?
"Yeah. Sorry." sagot ko kay Benj na may pag tango pa pero nakatitig parin ako kay Russell. Eh ganun din kasi siya eh. Mukhang wala siyang balak magbitaw ng titig kaya ako na ang magbibitaw.
Sumakay na sila Bea at Sandra sa backseat. Habang ako naman eh pinagbuksan ni Benj ng pinto sa may passenger seat. Sasakay palang sana ako ng mapadako ulit ako ng tingin sa direksiyon ni Russell.
Nakatitig parin siya.
"Go on." muling saad ni Benj. Tumango naman ako at sumakay na ng tuluyan tapos sinara niya na ang pinto. Napayuko ako para hindi ko nalang makita ang mga pagtitig ni Russell na 'yun. I'm starting to hate those curiousity. Bakit ba kasi ganun siya makatitig? Napaka-loyal naman ata masiyado. It was so unlike of him.
Umandar na 'yung kotse kaya tumingala na ulit ako ng tingin at nakita kong nakatitig parin siya. Bwiset na ah! Lumampas na kami sa kaniya pero nakatitig parin siya sa direksiyon ng aming kotse.
Napatingin ako sa side mirror at nakita kong lumabas si Arlo, Ian at Allyson mula sa loob ng hotel. Nakasunod din naman sa kanila si Hera at Maxima. Yes Kim. Go back to your senses. Sinaktan ka nila pero hindi ka gaganti. At hindi mo rin ilalapit ulit ang sarili mo sa mga patibong na mga 'yun. Lalo na sa apat na mga mapambitag na 'yun.
Napikit ko ang mga mata ko para huminga ng malalim.
Kim. 'Wag mong hayaang bumalik ng ganon kabilis ang mga kinalimutan mong alaala dahil lang sa titig na 'yun ng isa. O kahit nilang apat pa. 'Wag mong sayangin lahat ng time at effort na ginugol mo para lang
kalimutan sila.
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...