-Kim-
Napaisip ako bigla, ilang buwan ko na ba kasing tinitiis ang matatalim na tilian ng mga malalanjoot dito sa campus? Ewan ba. Sa ginagawa nilang ganiyan, lalo lang akong nai-inggit at natatakam na makita ang mga nag-gwa-gwapuhang nilalang na 'yun. Kainis sila, bakit 'di na lang sila sumuko at lumuhod sa harapan ko? Pipiliin ko naman silang lahat ehh, the more, the excitier, 'diba?
Ipinagpaliban ko muna ang malanjoot kong pag-iisip at kinuha ang TOUCHSCREEN kong phone at headset 'saka namili ng magandang kanta. Nag-transform na naman kasi ako into fresh na diyosang dilag at kasalukuyang nagmo-mop sa kahabaan ng corridor dito sa Tourism Department. Malay ko ba, kung pa'no ang magandang WALANG KATULAD ko ay na-assign dito. Eh kelayo-layo naman nito sa Department namin pero talagang ipinush-through ako ng senior ko dito. Akala niya ahh, hindi por que mas maganda ako sa kaniya, p'wede na siyang ma-insecure sa akin. Ang mga magaganda kasing WALANG KATULAD KO ay namimili din ng mga taong maiingit sa akin. And speaking to her, 'di siya pasok sa standard bilang inggitera ko. Excuse me kaya, Duh?~
Tumugtog bigla 'yung kanta ni Sia na Chandelier kaya napahawak ako ng mahigpit sa duluhan ng mop tapos sinimulan ko sa pag ikot ko ng leeg ko sa first line ni Sia. Pagkatapos, gumawa ako ng sunod-sunod na back and forth na pag takbo-takbo at nu'ng nag chorus nag split ako ng slow-mo-effect habang dinadama ang taas ng boses niya. Dapat sa kisame ako nag split ehh, para mukha talaga akong Chandelier.
So siyempre joke lang 'yan. Ano ako loka-loka? Nahihibang gano'n? Baliw?-pero super GANDA, hehehehe. Siyempre, baka 'pag ginawa ko 'yang eksenang 'yan dito mismo sa harap ng mga palakad-lakad na estudyante ma-loka sila at maisipang mag suicide. Sa GANDA ko ba naman, plus a PERFECT TALENT pa, edi namatay na sila sa inggit.
Sa haba ng sahig na nililinis ko, paulit-ulit lang akong nag pabalik-balik mula sa dulo hanggang umpisa at vice versa ulit. Wala ba naman kasing konsiderasiyon ang mga Tourism student na 'to? Aba'y kung maka-apak sila sa sahig ng sapatos nilang 'di man lang nila pinagpag sana, akala mo wala ako dito na HINDI naman nagsa-sawang naglilinis. Sige okay lang, okay lang talaga. Galingan niyo pa sa pagdudumi sa sahig mga walang pusong 'to! Galingan niyo pa talaga at kaunti na lang sa ospital naman kayo magpapa-galing.
Makalipas ang mga ilang oras siguro na pagmo-mop ko, kumaunti na ng kumaunti ang mga nagda-daang estudyante dahil pasimula na rin ang kani-kanilang klase. Nako salamat naman, sa wakas, matatapos ko na ring i-mop ang pisting sahig na 'to. Mga hubas na estudyante, alam ko namang outcast ako pero please naman, ituring man lang sana nila akong tao o kahit janitress na nagpa-pagod sa pag lilinis ng kanilang inaapakan. Mga feeling Hari at Reyna, kay-papangit naman. Ni hindi man lang sila naka-abot sa layo ng milya-milyang distansiya ng KAGANDAHAN ko. Nakakaawa naman kayo guys, -buti nga sa inyo, ha~ha~ha~ha! *insert kademoniyohan*
Papunta na ako sa huling sampung kilometro ng nalalabing sahig ng may paang umapak sakto sa imo-mop ko na sana.
Dahil sa baba lang ang tingin ko, kitang-kita ko ang kintab na taglay ng sapatos niya. Tinamaan ko pa 'yun ng mop ko kaya ng ilayo ko ito, kita ko rin kung paanong naiwan ang bakas ng dumi do'n. Naisipan ko nang lumuhod at dilatan ang sapatos niya hanggang sa mawala 'yung dumi kaso, Bobitang Shunga ba ako para gawin 'yun?
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Teen FictionDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...