*Year 2031*
---
Isang babae ang kaga-galing lang ng ibang bansa at ngayon ay palabas na ng airport. Sa daan, kung nasaan deretso itong naglalakad papunta dito ay may nakahanda ng isang kotse na tila gagamitin niyang sasakyan. Isang lalaki din ang naroroon at binuhat ang maletang dala ng babae. Pinagbuksan niya rin ito ng pinto ng kotse at inantay na sumakay. Nakangiti munang nag-masid ang babae sa paligid niya bago pumasok at umandar ang kotse nito.
Sa isang magarbong hotel naman, nandodoon na't naghahanda ang mga magka-kakklase na unang beses pa lang magre-reunion.Sa pagsisimula ng okasiyon, isa-isa ng nag-sidatingan ang iba pang mga kakklase nila na talaga namang nagpapatingkad ng mga status nila sa buhay. Kitang-kita mo na bawat taong pumapasok sa pintuan ng hotel ay talaga namang nakangiti at nangnining-ningan na parang mga bituin.
Pero sa gitna ng pagdating ng mga taong 'yon, ay mas lalo namang pumukaw ng atensiyon ang mga sunod na dumating.
Una sa kanila, ay ang CEO ng isa sa pinakamalaking kompaniya na from Japan hanggang Pilipinas ay malalaman mo na kung kaninong hakbang ang paparating. Siya si Akihiro Arlo Sun. a.k.a., the heir of one of the most influencing businessman living and reigning in this world.Kakauwi lang ni Arlo na fresh from Japan pa at dahil nasa Pilipinas na siya, siya na ang panibagong magpapakalat ng galing at experties sa pagpapatakbo ng business. Dahil sa estado ng buhay niya ngayon, todo nganga at tulo laway ang mga taong dinadaanan niya. Kaway dito, Kaway doon, pero si Arlo ay puro ngiti lang ang iginanti sa kanila at 'saka na dumeretso sa lamesa nito.
Ang sunod na nagnakaw ng atensiyon ng mga tao ay si Charles Adrian Spero na isa na ngayong tanyag at sikat na Engineer. Siya ang takbuhan ng mga mayayaman at pati artista o mga kilalang tao pagdating sa pagpapagawa ng bahay o establisiyemento.
Kasama rin nito ang fiancé niya ngayon na si Maxima na anak ng Principal at isa na ngayong Teacher sa public school. Magkahawak ang kamay at nakangiting pumasok ang dalawa 'saka na dumeretso sa lamesa kung nasaan si Arlo habang kinakawayan ang mga tao.Ang pangatlong pumasok ay si Russell Park na half filipino at korean. Walang facial expression o halos hindi gumagalaw ang buong mukha nito kaya akala ng lahat ay isa siyang masungit na anti-social. Pero dahil isang kilalang Veterinaryo ang binata, sa Pilipinas maging sa ibang bansa ay todo kaway ang mga tao lalo na ang mga kababaihang may kahalo pang pagtili.
Bago pa makaalis si Russell sa kinatatayuan niya, isang lalaki na ang umakbay dito at ngumiti sa harap ng maraming tao habang mahigpit na hawak ang kamay ng magandang babae.
Si Allyson Delloire at Hera, ang mga sikat na sikat ngayong artista sa isang TV network. Dahil sa kasikatan ng dalawa ay hindi naiwasang mag sigawan at magkumpulan ng mga tao sa loob ng venue para lang makita ng malapitan ang mga artista. Todo flash ng camera at papuri ang natanggap nila Allyson at Hera na siya namang ikina-inis ni Russell.Dahil do'n, mabilis itong nag laho sa tabi ng dalawa at dumeretso ng umupo sa lamesa kung nasaan sina Arlo, Charles at Maxima. Pagkatapos ng ilang minuto ay kumalma na rin ang mga tao kaya si Hera at Allyson ay sumunod nang umupo sa lamesa kung nasaan ang apat.
"Hey Guys! It's been a long time! Oh my gosh, can't still believe na may mga kaibigan akong artista!" pag bati ni Maxima na pinipigilin ang excitement. Tumayo pa ito at kinawayan ang dalawang kadarating lang. Ngumiti lang si Hera habang si Allyson ay ipinakita ang kakisigan nito. "Anyways. Hahahaha. How's your life? Matagal-tagal din tayong 'di nagkita-kita ahh. How about bumawi tayo at some time?"
BINABASA MO ANG
Eversince I Love You
Novela JuvenilDo you need to count how long have you been inlove? Or when did you move on so you can finally say that your heart is no longer inlove? Do eversince exist? Or we just only hope that we made things first done before the run began? I love you eversin...