Chapter 30:Monkey In The Middle

17 6 0
                                    

2 years later...







-Kim-











'Di ako masiyadong na linawan sa mga ganap kahapon kaya pilit kong inaalala ang bawat eksena na nangyari. Nagju-jumping rope ako na ulo ang tumatalon tulong para mas maisip ko ng tama ang bawat salitang pinagsasabi nila. Ang bawat galaw na ginawa nila, at ang bawat kalanjootan na in-execute nila. Mukhang ginagalingan nila sa practice kaya ang galing-galing nilang umarte ngayon ahh.











Sabi ko sa sarili ko dati no'ng mga panahong hindi pa ako masiyadong mature, well hindi pa rin naman pala ako masiyadong mature ngayon hehe. Balik tayo sa 'sabi ko sa sarili ko dati', sabi ko, "Hinding-hindi na ako mahuhulog ulit sa mga ganitong klase ng pag ibig at sa mga ganitong uri ng mga tao." Although not exactly like that pero ganiyan din ang point ko, hindi pa kasi ako masiyadong magaling sa mga quotes no'n. After noong nangyari sa akin kay Ian na eskandalo ay nadalang-nadala talaga ako na 'wag nang umulit. At no'ng time na akala ko iniwanan na ako ni Arlo na lalong nag paloka sa akin.













Kahapon lang, nasa mall kami nila Arlo at Nicole ng nakasalubong namin sina Laura, Hera, Allyson at Russell. Simula no'ng insidente doon sa color fun run 2 years ago ay naging close na kaming lahat. Lalong-lalo na si Nicole kay Russell, mukhang siya ang oppa cuteness of her life niya. Yup, 2 years ago, Grade 10 na ako ngayon and 1 year left ga-graduate na din ako. Akala ko maaga akong makakapasok sa college pero ang kaso, may impaktitang senior high school na umeksena. Hindi naman sa ayaw ko ang ang K-12 system kaya nga lang atat na atat talaga akong mag college ehh, kaya ngayon, mag su-suffer muna ako ulit ng dalawang taon. You know me, Matalino nga ako 'diba? So mas gusto ko ang mga giyera sa school at sabakan sa pag aaral. Dahil mas nagsu-suffer ako kapag nakanganga lang ako at nababalandra ang utak ko sa isang tabi. Bobitang shunga lang ako, pero hindi ako bobo, may pinagkaiba 'yun.













Anyways, mabalik tayo sa nangyari kahapon sa mall, all of us ay nag mature na, maliban kay Allyson na lunod pa rin sa kalanjootan ang utak. Si Laura na dating sipunin at mukhang manang, aba'y ngayon natuto nang manamit tao. Pa make up-make up na din siya kaya nag mumukhang rainbow ang everyday look niya. Minsan nga naiisip ko na lang, nag pa-part time job ba siya bilang clown sa ilalim ng dagat? Kasi nga ang kulay ng mukha niya and nangangamoy bilasa pa siya, ayan, Teachers Pet kasi ni Ma'am Shorena. Dikit ka pa sa kaniya sige. Chot lang haha. Lunod sa alcohol-este downy with perfume ang ate niyo, kaya no way na maging kasing amoy niya si Ma'am Shorena na adviser namin since grade 7 pero mukha lang ang nagmamature sa kaniya at hindi ang ugali niya. Actually nag mature na pala ang ugali niya, the same as her face, 'yun nga lang, ibang uri ng mature, 'Yung premature? Napaaga kasi ang pagiging sirenang maton niya at ngayon lang naging babaeng shokoy.












Si Hera naman na ganda-ganda noon, gutay-gutay na ngayon-Chot lang haha, inggit lang ako pag pasensiyahan niyo na. Kung cute na diwata siya dati, ngayon naman, magandang diyosa na siya. And still, rich and sophisticated girl. Ang kaso, mukhang inlove na inlove pa rin siya sa pangit na si Allyson. Speaking of the devil maniac slash pervert, ayun, ang gwapo-gwapo niya at hot na rin siya. Kung dati cute at gwapo siya, ngayon gwapo at cute plus hot na siya. Perfect pair talaga sila ni Hera, bagay silang maging loveteam ng mga higad na pusit-CHOT LANG HAHA. Hindi naman sa nilalait ko ang sarili ko nuh, pero, sa aming anim, ako ata ang may pinakamagandang walang itsura. Pero sa aming anim din, ako naman ang may pinaka may malusog na utak. At wala sila no'n. 'Yung kay Hera kailan lang nawala dahil sa kalanjootan niya. Harot pa ateh gurl.












Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon