Chapter 15:Brand New Battle

7 6 0
                                    

-Kim-








Ilang araw na lang pasukan na naman at excited na 'ko dahil magsisimula na ang highschool life ko. Ito kaya ang pinakamasayang part ng pag aaral. Syempre, mga teenagers na ang mga kasama ko, pati na ako. No more jejeness ahekhekhekhek. At sana may mga bagong kaibigan din. At bagong crush? Chot. Bagong malalanjoot lang okay na.













Malay ko ba kung ba't ako nagkaroon ng crush nu'ng elementary pa lang ako. Eh dapat puro paglalaro lang ang iniisip ko nu'n eh. Nasira tuloy ang childhood life ko. Pero okay na 'yun. Tapos na 'yun. Ano pang magagawa ko. Inborn ang kalanjootan sa akin eh.













Kakalimutan ko na ang lahat ng 'yon dapat maging happy ang bida-bidahan niyo ngayon. Iiihhhh excited na talaga ako. Gaganda na naman kasi ako eh.














###









"Kim!!! Ano ba?!! Hanggang kailan ka hihilita  diya'n?!" narinig kong malakas na pag sigaw ni mama habang nakatapamewang pa sa harap ko.















Kumurap-kurap muna ako dahil hindi pa masiyadong malinaw ang nakikita ko sa paligid.















"Ma!!! Mauna na ako at oras na baka ma-late pa ko!! Kainis naman eh!!!" narinig kong reklamo ni kuya mula sa labas ng kwarto.













Bigla akong naalipungatan at mabilis na napabangon habang dilat na dilat na bumulagta ang aking mga mata.














"Oh?! Binabangungut ka ba anak?!!" pagtataka ni mama at tinignan ako ng mata sa mata.













Mabilis akong tumayo dala-dala ang kumot ko at kumaripas ng takbo papuntang loob ng baniyo.












"Sinaniban na ba ang anak ko?" narinig ko pang pagtataka ni mama.















Pagkabihis ko. Alangan naman i-kwento ko pa kung pa'no ako naligo ne? Nakita ko si mama na naghahapag na ng pagkain sa lamesa.













"Oh? Akala ko naman 'di ka na papasok ngayon??" tanong ni mama habang hinahapagan ako.













"Ma naman! Bakit 'di niyo ko hinila sa kama o kaya binuhusan ng malamig na tubig para magising ako?! Alam niyo naman pong tulog mantika ako eh." reklamo ko habang umuupo at nilalapag ang bag ko sa katabing upuan.















"Aba anak, kung alam mo lang, hinulog na nga kita sa hagdan kanina!"















"Ano po?!!"













"Pero syempre biro lang. Kung ginawa ko 'yun, tulog ka pa rin sana hanggang ngayon. At pang habang buhay na siguro." dugtung ni mama.














"Ma naman eh!" pagmamaktol ko sa kaniya.















"Aba! 'Wag ka ng mag-iinarte diya'n at late ka na kaya noh!!! Traffic na niyan at alam mo naman na isang bundok pa ang tatawirin mo!"














Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon