Chapter 45:His Greatest Confession

4 1 0
                                    

-Ian-

"Eto na nga! Pasukan na pala. Ano bang pinaggagagawa ko sa buhay?" pinagmasdan niya ang eskuwelahan namin na akala mo, first time niya pa lang itong nakita. Oo nga pala. First time niya ulit itong makita. At first time ko ulit din siyang makita. Ang napaka-positive na naman niyang smile. "Yari na din tuloy ako sa mga teacher ko nito, haaaayyy!" nakabusangot na pagrereklamo niya pero sa paningin ko,  ang cute niyang pagmasdan.

Habang tinititigan ko siya mula sa hindi kalayuan, nakaisip ako ng isang bagay na magandang gawin at 'yun ay ang maging mala-kuwento sa libro ang first time ulit naming pagkikita. Tumakbo ako at nagpanggap na aligagang papasok ng gate sabay tinabig si Kim. Mahina lang sana 'yon ang kaso, hindi nakontrol ng katawan ko ang sobrang pagka-excite kaya napalakas ang pagbagsak niya na panigurado, ikinagasgas iyon ng kaniyang mga palad dahil sa pagsapo sa sarili mula sa muntikang pagkakahampas sa sahig.

"Pasensiya na?!!-" paghinto ko sa tapat niya at inalok siya ng palad ko habang kinakabahan na baka kagalitan niya ako.

"Ahh okay lang sige. Pero batukan nga kita para kwits-" naputulan niyang pagsasalita ng makita niya ang mukha ko kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. "Ian?!" dugtong niya.

"Oh Kim?! Haha nice to see you. Akala ko nag-transfer ka na?!" masaya ko namang pagbati para hindi niya mabakas sa mukha ko ang kaba na makikita sa pula ng aking pisngi.

"Ahh 'di naman, 'di lang ako nakapasok agad. Baha sa amin eh. Baha ng chismis. Pero gustong-gusto mo naman ehh. Well, atleast, na-experience mong maging top 1 ng mga ilang linggo din. Hehe. Last mo na 'yan ah." pagsasalita niya ng kalokohan na pinakana-miss ko talaga sa kaniya.

"Baliw ka pa rin talaga. Hahaha. Oh anong section mo niya'n? Saan ang room mo?! Alam mo na ba??" sunod-sunod kong bira ng tanong para itago pa rin ang kaba.

"'Di ko nga eh pero-" pagputol sa pagsasalita ni Kim ng isang matining na boses ng babae habang tinatawag ang pangalan ko.

"Ian?!!!!" ahh, si Maxima.

"Max?!" kunwaring pagkagulat ko para kunwari, masaya akong nabubuhay sa paligid niya.

"Oh? Si Kim pala 'tong kausap mo, 'kala ko ba namatay na 'to?" pagsisimula ni Max ng isang maanghang na digmaan.

"Gusto mo mauna?!! Most protagonist don't die in their story, and most antagonist are losing in the end. 'Di mo ba alam 'yon?" pambabara naman sa kaniya ni Kim. Wow. That's an attitude! Pero with a heart.

"Sandali lang.." pagpagitna ko sa dalawa kahit na alam kong wagi si Kim kung sakaling magbugbugan man sila. Taba lang naman meron si Max eh. Samantalang si Kim, armado ng mga patalim sa katawan.

"Sige na Ian, mauuna na 'ko. Baka may mapatay ako ng 'di oras dito." pagpapaalam ni Kim at tumingin ng may panlilisik kay Max.

Sayang! Oras na sana namin ni Kim 'yon para magsabay sa pagpasok sa room eh. Alam ko namang pareho ulit kami ng section. Si Max naman kasi eh!

"Mauuna na rin ako. At 'wag kang susunod ha!" pagsusungit ko kay Max nang sa ganu'n, ay makita naman niyang kaya ko ding magalit sa kaniya.

Ang tagal ko nang hindi nakikita si Kim dahil malimit nalang siyang umuwi ng baryo dito sa amin at panay nalang siyang doon nags-stay sa pinsan niya sa bayan kaya, chance ko na sana 'yon para magtanong na sa kaniya at makipagkuwentuhan muli.

Ano nga kayang dahilan at panay siyang balik-balik doon? At kung bakit late na siya ng ilang linggo bago pumasok? Itatanong ko talaga 'to.

Naglakad na ako papunta sa building namin pero sa kabilang dulo ako dumaan kung saan sigurado akong magtatagpo kami ni Kim bago kami umabot sa tapat ng room namin. At hindi nga ako nagkamali. Nang makarating na ako dito sa dulo ng building namin, nakita ko naman si Kim sa kabilang dulo na napatingin sa akin.

Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon