Chapter 33:This Is The Real End

9 4 0
                                    

-Kim-










Habang feel na feel ko ang pag tulog dito sa mga upuan ng airport nagising na lang ako sa ingay ng mga tao na parang may artista silang dinudumog, well, 'di naman na ako magtataka dahil isang magandang diyosa lang naman ang natutulog sa harapan nila. Panigurado, maloloka sila ng bonggang-bongga.











Napamulat ako ng mata at nakita kong maliwanag na ang araw kasing liwanag ng ganda ko na kasisinag lang, oh may gazolina, iz diz what they called 'aura'? Pero, eto ngayon panigurado papalakulin na ni mama ang MAGANDA at ONE OF A KIND kong mukha. Insecurista din ata si mama dahil nag luwal siya ng nilalang na mas maganda sa kaniya-chot hehehehe.












Marami ng tao sa paligid na may kaniya-kaniyang hila at tulak ng malalaking maleta at bagpack. Anong meron? Lilipat na ba lahat ng tao sa Mars? Papagunaw na ba ang Earth? Ano ba 'yan, mamamatay akong maganda? Iz not fair! Kailangan ko munang inggitin si Maximalantod.















Gusto ko pa siyang makitang naglalaway sa harapan ko na parang asong nababaliw. Ay joke lang, ayoko nga pala siyang makita dahil baka mandilim ang paningin ko at lalong 'di ko siya makita, ipapa-email ko na lang ang pagkamangha at pagkairita niya sa inggit sa aking ganda, ipapa-illustrate ko ang frustration niya-WAW! Big word HAHAHAHAHAHAHA! Pero, gaganti pa nga ako 'diba? It'z mah purpose you knoh? Grabe, habang tumatagal ako sa istoryang 'to nagiging jejemon ako. Bakit kaya?













Narinig kong may ilang kusing pa ako ng barya sa bulsa ko at sa tingin ko sapat na 'to para makausap ko si Arlo-chot inuna pa ang kalanjootan ehh. Dapat 'don, itinatapon na katulad ng ginawa niyang pag abandona sa kyot na kyot na bulldog-AKO. Lumabas na ako ng airport at malayo-layo mula dito, nakahanap ako ng tindahang may payphone-hindi 'yung sosiyal na payphone ah-'yung de-keypad lang na limang piso sampung minuto. O 'diba, napaka-unique talaga ng mga Pilipino. Ay lab et! Kaya proud na proud akong badjao ang itsura ko at igorot ang ugali ko. Always proud to be BaGorot. Sali nga akong Ms.Universe, at irerepresent ko ang lahi ng mga purong katutubong Pilipino. May laban kaya ako?















Tinawagan ko ang number ni Nicole 'diba nga dahil wala akong phone dahil na-holdap ako ng WakWak Group na 'yon. Kagigil sila, mabuti na lang at memorize ko ang number ni Nicole at ni Mama ko at ng pangit na Kuya ko.












"Heller? Anong kailangan mo? Busy ako may taping pa kasi ako. Speak now dali. May bayad ang oras ko."











Maarteng pag sasalita ni Nicole sa kabilang linya na akala mo artistahin talaga ang dating ehh.














"Mukha mo mukhang dinurog na pamintang durog. 'Wag ka ngang masiyadong ma-banana diya'n. Ako 'to si Kim, ang pinakamaganda sa lahat ng pinsan mo. Tiyaka 'yung boses mo ba't parang boses nu'ng kakilala ko?" sagot ko rin sa kaniya.












"Oh my gosh, Kim!? Wait first of all thing hindi ako mukhang dinurog na durog na paminta, haler? Durog na dudurugin pa? Are you bobitang shunga ba? And second what is ma-banana? I don't use konyo-words kasi. And thirdly, how dare you to claim na pinsan kita ehh wala naman kaming lahing badjao at igorot, Duh? By the way si Laura 'to. Last line ko na 'to kaya sinusulit ko lang. 'Wag ka ng tatawag ulit lalo na kung nasa mahirap na sitwasiyon ka ahh, wala kasi akong planong gumawa ng mabuti sa 'yo dahil tinatanggal mo ako sa istorya mo-"














Eversince I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon